Guardians or Guidance?

1.6K 28 7
                                    

--

Riel’s POV

Monday ngayon kaya naman maaga akong pumasok. Tahimik ang buong EU  hindi katulad nung isang araw na akala mo ay may fiestang nangyayari. Habang naglalakad ako sa hall way may nadaraanan akong ilang estudyante na naguusap pero agad din namang tumitigil kapag nakikita ako.

Anong meron? Sawa na ba agad sila sa pambubully sakin? -___-a

Dumarecho na lang ako sa classroom at katulad ng ibang tao kanina sa hallway, natahimik sila ng makita ako. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang papunta sa upuan ko sa may bandang likod. Tiningnan ko yung katabing upuan ko, pero walang nakaupo. Wala siya

Ano na naman kayang drama ng lalaking yon at absent na naman? Psh. Sa bagay, minsan lang naman talaga siya pumasok. Tamad na bata -____-

“RIELLLLLLLLLL”

Parang bumukas ang langit at nahati ang lupa ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan at tumakbong papasok ang kambal papunta sakin

“OMO Riel what happened to you?” umupo si MM sa tabi ko na mukang super worried sakin habang hinawakan naman ako ni CC sa balikat at kinalog-kalog “They humiliated you! “ T______T

Humiliated? Yun ba talaga ang tamang term? @___@

“Okay lang ako” ngumiti ako sakanila dahil mukang alalang-alala sila sakin

“Anong okay? E ginawa ka nilang bold star sa gitna ng gym!” MM

“Oo nga! Akala siguro ng iba may photoshoot ang FHM sa gym at ikaw ang model” CC

Napayuko na lang ako at namula ng maalala ang nangyari kahapon. Nakita ng ibang tao ang katawan ko. Nakita niya

Waaaaah! Putek! Naalala ko na naman nung niyakap ako ni JD nun >//////<

Thank you Riel

Fudge! >///////<

Sinapak ko mentally ang sarili ko dahil hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi niya. Wag mong isipin Riel. Shoo. Shoo >__<

“Relax ka lang riel. Namumula kana sa galit o, wag kang mag-alala naparusahan na yung may gawa sayo nan” CC habang tinatapik ang balikat ko

Jusco CC kung alam mo lang na hindi ako namumula dahil sa galit. Parang nakalimutan ko na nga yung nangyaring kahihiyan sakin dahil natakluban ng mga ginawa at sinabi ni JD .____. 

“Oo nga sis. Mabuti nga at naparusahan na ang grupo nina Kaye”

“Kaye?”  O.o?

“Yung  babaeng may pasimuno ng lahat! Yung president ng theater club! Tch kung makaasta akala mo girlfriend siya ni JD Baby” >3<

Kaye pala ang pangalan ng babaeng yon! Takte. Ang sarap lang ishoot ng ulo niya sa ring! Naalala ko tuloy yung damit kong inilagay nila sa ring, favorite ko pa man din yun! +_____+

“Anong ginawa sakanila?” umalis na kasi agad kami ni JD after buhusan ng pulang pintura yung babae kaya hindi ko na alam ang kasunod

“Ayun binuhusan ng red paint tapos -“

“Good Morning Class”

Hindi na natuloy yung sinasabi ni Cc dahil dumating na si Ma’am. Pumunta na sila sa pwesto nila at mamaya na lang ako kukwentuhan. Sinilip ko yung cellphone ko dahil baka may text si JD pero wala. Psh bahala siya

After ng 3 class ay lunch break na kaya naman pumunta na kaming tatlo sa cafeteria at katulad kanina tumatahimik ang mga taong nadaraanan naming

“Grabe riel dinaig mo pa si Dean Gonzales! Kulang na lang sumabog ang mga ugat non pag pinapatahimik ang ibang estudyante pero ikaw, lumalakad ang pero tumatahimik na sila” CC *u*

My Playmate is a Devil! (ORIGINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon