Her Reason

116 5 0
                                    


--
2 years ago

Riel's POV

"Kindly sign here. Pati na rin dito"

Inabot ko ang library card sa babae at nagayos na ulit ng mga libro. Nag-apply akong librarian sa EU. Scholar kasi ako dito at kapag scholar ka sa school namin, kailangan mong makicooperate sa mga gawain ng school. Kaya naman teneeeeen: library girl ako ngayon

"000000ps! No id, no entry kuya"

Hinarang ko ang isang lalaking nagmamadaling pumasok sa library. Pawis na pawis siya at halos gusot na ang suot niyang uniform

"Naiwan ko miss e! Papasukin mo na ko!"

Umiling ako at itinuro ang malaking sign na nakasabit sa may pinto "No id, No entry"

Mas ginulo pa niya ang gulo niyang buhok at desperado akong hinawakan!

"Aray naman!"

"Miss papasukin mo na ko!! Baka dumating na siya!!"

"Bitiwan mo nga ako! Bawal nga sabi!"

Itinulak niya ko sa pader at anak ng! Ang sakit!

"Bwiset ka! Bitiwan mo ko!"

"She's right. Get your fucking hands off her"

Pareho kaming nanigas ng lalaki ng may nagsalita sa likod niya. Boses pa lang niya ay natakot na ako. Sa lamig ng boses niya ay nagtindigan ang mga balahibo sa braso ko

M-ulto ba yun? O.O

Nanginginig na binitiwan ako ng lalaki at hinarap ang taong nasa likod niya. Unti-unti rin ay nakikita ko ang taong may nakakatakot na boses

Hindi siya multo!!

Hindi ako makagalaw ng magsalubong ang mga mata namin. Malamig at blanko ang mga matang nakatingin sakin. Tinitingnan pa lang niya ko pero parang hinihigop niya ang lakas na meron ako

"J-D" natatakot na tawag sakanya ng lalaki

"Come with me"

Hinawakan niya ang lalaki sa batok at marahas na hinila palabas ng library

JD?

Teka!

Siya si Jd Dela Vega?!

Ow.em.gii!! Ang dakilang bully ng school!! Okay. Teka baka kasi maguluhan kayo. Actually wala pa naman akong nakikita na may binubully siya. Except NGAYON! E ngayon ko lang naman kasi siya nakita -_-

Anyways, bago kasi ako pumasok sa school na to ay may mga naririnig na kong balita tungkol sakanya. Ang sabi ng iba ay siya ang bully sa EU. Pero nung pumasok naman ako dito e wala akong nakikitang pangbubully. Actually sikat nga siya sa mga babae dito!!

Paano ko nalaman?

Librarian ako at ilan sa librong nahahawakan ko ay may pangalan ni Jd!! >~<

Sample!

Anne <3 JD
Lily <3 JD
Karen <3 JD

Hindi ba alam ng mga babaeng ito na lumalabag sila sa rules ng school!! Vandalism >~<

Pero teka!! Mabuti na lang at hindi ako nadamay kanina! Hayop na lalaki yun tinulak ako sa pader! Buti nga sakanya! Si Jd na ang bahala sakanya -_-

"Miss wag mo naman katitigan yung I.d ko" *chuckles*

Nagising ang diwa ko sa isang mala anghel na tawa. Dun ko lang napansin na may tao pala sa harapan ko at nagpapakita ng i.d niya sakin >~<

"Ay sorry lumilipad ang utak ko"

Kinuha ko ang i.d niya ng hindi siya tinitingnan at mabilis na nirecord ang id number niya

Nakakahiya! Feeling niya tuloy tinititigan ko yung id niya!! >~<

"Ito na"

Nakayuko kong inabot ang i.d niya dahil nahihiya parin ako! (Mahiyain ako sa mga panahong ito- riel)

"Did I offend you? I'm sorry pero niloloko lang kita. Napansin ko kasing malalim ang iniisip mo"

Napaangat ako ng tingin only to found out na may isang gwapong lalaki ang nag-aalalang nakatingin sakin

Matangkad. Maputi. Matangos na ilong. Magandang mata. kissable lips. Dimples at blonde na buhok

"Tao ka ba?" *O*

Bigla kong nasabi! Shit! Ang gwapo kasi niya! Para siyang anghel na pinadala sakin ni lord!! >///<

"Yes I am"

Tumawa siya at lumabas ang dalawa niyang dimples na lalong nagpagwapo sakanya!

Holy macaroni!

Hindi ako nakapagsalita kaya naman tumawa na naman siya

Bakit ba siya tawa ng tawa? Muka na ba kong clown sa paningin niya?! Ang saya-saya ni kuya! -_-

"I'm Darryl Gabe Aquino"

Nag-abot siya ng kamay kaya naman kahit nanginginig ay tinanggap ko ito

"Gabriella Solenn Alberts"

"Nice name. See you later Solenn" *smirk*

Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Kumuha siya ng isang libro at umupo sa malapit sa bintana

Araw-araw ay ganun ang nangyayare. Laging pumupunta sa library si Darryl. Same spot. Same time. Masaya na kong lagi siyang nakikita. Lagi niya kong binabati tuwing pumupunta siya dito. And eventually naging magkaibigan rin kami

Isang araw habang naglilinis ako ng bookshelves napansin kong may tinitingnan siya sa labas kaya naman lumapit ako

"Sinong tinitingnan mo?"

Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa ilalim ng puno habang nagbabasa ng libro. Mapuno ang likod ng library kaya naman may ibang estudyante ang gustong tumambay dito

"Ang ganda niya di ba?"

Parang may kumirot sa puso ko ng makitang titig na titig si Darryl sa babae.

Heller! Makita mo ba naman yung crush mong may tinitingnan na iba! Ang sakit diba?! :(

"Oo. Crush mo?"

Bigti Riel!

Ngumiti lang siya at tumingin ulit sa babae. Paksyet talaga tong si Darryl!

Tiningnan ko yung babae. Maganda. Mahaba ang buhok. Muka siyang tahimik at kagalang galang. Isa lang ang nakikita ko. KABALIKTARAN KO SIYA. At napansin ko din na habang tinititigan siya ni Darryl, may tinititigan siyang iba..



Si JD
-------

Sorry ✌🏻

My Playmate is a Devil! (ORIGINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon