Darry Gabe Aquino

179 7 1
                                    

Its been 2 years ata. Lol. Binasa ko ulit yung story at natawa ako kasi ang dami palang jejewords. Wrong grammar at spelling sa story na to. Sorry for that. Anyways, itutuloy ko to unti unti kasi bored ako 💁🏻 Namiss ko din magsulat. Iwas stress 😊 Thank you sa mga readers na naghintay 😊

--

Unedited

*

"Solenn kain tayo"

Inayos ko yung mga nakakalat na libro sa lamesa at tiningnan si Darryl. As usual ang gwapo na naman niya tingnan. Naka black tshirt, black pants at black cap siya pero mapapalingon ka talaga sa aura niya

"Hindi pa tapos yung shift ko dito e" meron pa kong 1 hour bago ako matapos dito sa library

"Sige na please. Gutom na kasi ako e"

Ngumiti siya at kinuha yung mga dala kong libro. Damn! Bakit ba nagpapacute tong isang to! Hindi ba niya alam na lalo lang akong nagkakacrush sakanya at the same time na bobroken hearted dahil may gusto siyang iba :(

"It's almost lunchbreak. Itatakas kita! Run away with me please?" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilapit sa muka niya

Hindi ako kinikilig. Hindi talaga! Promise! Hindi! Paksyet hindi ko mapigilan ngumiti!

"Uyyyyyy. Papayag na yan" ngumiti siya habang tumataas yung dalawa niyang kilay. Anak ng siopao. Para kaming magjowa na naglalandian sa library! Hahaha! Pero dahil hindi ako easy to get inirapan ko siya!

"Wag kang makulit panget! Nagtatrabaho pa ako! Maupo kana lang muna don sa paborito mong pwesto at titigan yung babaeng mahal mo"

nagiwas ako ng tingin dahil baka mapansin niyang may bitterness sakin habang sinasabi ko yon. Bakit ba. Hindi naman masamang magselos kahit crush mo pa lang yung tao diba >.>

"Di ako panget hoy!" Umupo siya sa harapan ko at saka tumitig sakin "saka napapagod na kong umupo doon at titigan siya. Nagiipon lang ako ng lakas ng loob. Promise! 1 of this days lalapitan ko na siya"

Nagtanggal siya ng cap at inayos yung buhok niya. Parang masayang masaya siya sa pinaplanong pag lapit kay anika. Nalaman kong Anika Gomez ang pangalan ng babaeng lagi niyang tinitingnan. Well kay Darryl ko lang din nalaman. Dahil simula nung tinuro niya sakiin si Anika halos araw araw niya na itong kinukwento sakin. And yes, pwede na kong maging Maryr nyebera of the year -_-

Lumipas ang mga araw, linggo. Natuloy ang plano ni Darryl. Naging malapit siya kay anika. In short unti unti siyang nawala sakin. Masakit man pero reality naman yon e. May mga tao talagang nakakalimot pag nagkakalove life

Drama mo riel! Tss

Lunes ng lumapit sakin si Darryl. Nagulat ako kasi ngayon ko na lang siya ulit nakitang pumasok sa library

"Kamusta?" Bati niya sakin

Gulo-gulo yung buhok niya at maitim din yung ilalim ng mata niya

"Okay naman. Ikaw?"

"Ito. Mukang gago"

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawang balikat ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya naman hindi agad ako nakagalaw

"Riel. Sorry kung nakalimutan kita simula nung mapalapit ako kay anika. Nabulag kasi ako e. Ang gago ko. Sorry mahal na mahal ko kasi siya e! Kaso tangina! Hindi ako ang mahal niya! Pinaasa niya lang ako!"

Inilapit niya yung muka niya sa balikat ko at doon tahimik na umiiyak. Paulit ulit niyang binabanggit ang mga salitang "gago siya" at "patawad". Wala akong ibang nagawa kundi ang pakinggan siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin pero naaawa ako sakanya :(

Ilang minuto siyang umiiyak sa balikat ko ng bigla siyang humarap sakin at ngumiti ng malungkot

"Riel may sasabihin ako sayo. Ikaw lang ang kaibigan ko dito kaya sana maunawaan mo ko"

Nakangiti siya pero umiiyak parin siya

"Ano yon?" Naguguluhan kong tanong. Yumuko siya at parang nanigas ako sa naging sagot niya

"Narape ko si Anika"

--

Hindi ako makatulog ng gabing yon. Hindi matanggap ng sistema ko yung ginawa ni Darryl. Ganon ba talaga ang nagmamahal? Nagiging desperado minsan :(


Nalaman niyang hindi kayang suklian ni Anika ang pagmamahal na binibigay niya dahil may gusto itong iba. At hindi na ko nagtaka nung sinabi niya kung sino ang taong yon. Si JD


"Hindi nga siya pinapansin ng gagong JD na yon e! Wala daw siyang pakialam kahit magmuka siyang tanga sa harap ng gagong yon! Damn! Dapat sakanya mawala para mapasaakin na si anika!"

Galit na galit si Darryl habang sinasabi niya sakin yon.  Parang nawala yung darryl na masayahin. Para siyang nakain ng pagibig. Masamang pagibig :(

Nagulat ako nung pumasok ako ng umaga. Maraming tao at mga police sa school namin. Nagkakagulo ang iba, at ang iba naman ay tahimik na nagmamasid. Lumapit ako sa isa sa mga estudyante at nagtanong

"Patay na si Anika Gomez. Nakita siyang walang buhay sa may likod ng library. May tama siya ng baril sa ulo. Hindi pa malinaw yung kwento pero may sumuko daw kanina at sinabing siya ang pumatay kay anika"

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ni ate. Wala akong ibang naisip kundi si Darryl. Kinakabahan akong nilibot ang mata ko para hanapin siya pero hindi ko siya makita!

"Sino daw ang may kasalanan?" Kinakabahan kong tanong

"Si JD daw"

Damn! Anong nangyare?!

--

Hindi ko na nakita si Darryl after ng pangyayaring yon. Si JD naman ay nawala ng ilang buwan at bumalik rin na parang walang nangyari

Parang nakalimutan ng lahat ang nangyare. Mas sumikat pa siya at mas minahal pa ng lahat. You sila pero ako hindi. Alam ko makasarili pero hindi mawawala si Darryl kung hindi nawala si Anika. At hindi mawawala si Anika kung hindi dahil kay JD

--

----

Ito yung answer don sa isang chapter na sinasabi na "Dati ka din namang isang kriminal"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Playmate is a Devil! (ORIGINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon