The Guardians of Hell

1.5K 27 6
                                    

Hi! Thank you sa mga comments mo :))

--

VAN’S POV

“JD tapos na kami” Gray

“Ano ng gagawin natin sakanila?” Caleb

Tinanggal nila sa pagkakatali yung mga lalaking walang malay at inihiga sa sahig

“Dispose them” simpleng sagot ni JD at lumabas na ng basement

“Dispose? Ano kaya yon itatapon natin sila sa basurahan?”  Seven

“Tanga! Baka gusto mong ikaw ang itapon namin sa basurahan?!” Sigaw ni Tres kay Seven

“Nagtatanong lang naman ako! Van o inaaway na naman ako ni Three! “ T____T

“Anong Three!? Baka gusto mong ihampas ko to sayo!” ipinakita ni tres yung tubong ginamit niya kanina

“Pucha! Manahimik nga kayo! Ano na bang gagawin dito Van?” naiinis na sabi ni Dust

Napailing na lang ako sakanila

“Dispose. Ibig sabihin Ibalik niyo sa mga pamilya nila dahil don sila nagmula sa basurahang iyon”

Ganyan ang term ni JD sa mga walang kwentang tao, BASURA.  At ang pamilya namang nagpalaki sakanila ang BASURAHAN. Para kasi sakanya kung ano ang puno ganun din ang bunga. Parang yung laging sinasabi ni lolo samin ‘KAPAG WALANG KWENTA ANG MAGULANG, WALA DIN KWENTA ANG ANAK’

“Nasan yung seal?” tanong ni Gray kaya naman ibinigay ko sakanya yung seal, iniwan ito ni JD bago siya umalis

Para siyang maliit na pamaso kung titingnan. Kulay gold ito at may nakaukit na hugis cross na kulay itim at may nakatusok na pulang espada sa gitna. Ito ang simbolo ng The Guardians of hell, Kapag may symbol nito na nakapaso sa katawan mo ibig sabihin ay may nagawa kang mali sa syudad at nasistensyahan ka na ng Guardians of hell. Magiging limitado na lamang ang mga pwede mong gawin sa buhay mo. Hindi ka pwedeng magreklamo. Hindi ka pwedeng magsumbong, dahil sa oras na gawin mo yon ang mismong underground branch ang huhuli sayo at papatay sayo

Ang Guardians of hell ay isang grupo na pinagsama-sama ng isang underground branch ng gobyerno. Tama underground branch. Ito yung mga namamalakad sa mga gang fights na nangyayari sa lugar. Sila yung magsasabi kung sobra na ang ginagawa ng ibang gang at nakakalason na sila sa lipunan.

Dahil wala namang kakayanan ang gobyerno para pigilin ang lumalaking bilang ng mga kabataan na napapasok sa madilim na landas ng underworld, binuo nila ang Guardians. Sila ang mga taga sistensya o sabihin na nating sila ang tagalinis.  

Sila ang magpapasya kung anong gagawin sayo kapalit ng maling aksyon na ginawa mo. Ang pangbubugbog na ginawa sa limang lalaki ay napakamild pa lamang dahil hindi naman ganon kalaki ang ginawa nila, hindi katulad ng ibang malalaking tao na pinapapatay ng underground branch

Hindi nakakapaniwala diba? Pero dahil fiction ito dapat maniwala ka! Sariling gobyerno ang nasa likod nito. Siguro hindi niyo naman masisi dahil sabi nga ng mtatanda iba na ang panahon ngayon. Minsan kahit nasa loob ka ng sarili mong bahay hindi mo parin alam kung ligtas ka.

Ang mga tao ngayon ay hindi na nagdadalawang isip na manakit o pumatay ng kapwa nila. At ang Guardians ang ginagamit nila para mabawasan ang mga taong yun. At oo nga pala EU ang pinakabinabantayan nila dahil karamihan ng mga elites ay nasa paaralang iyon at ayaw ng underground branch na magulo ito.

“Hoy Van baka naman gusto mong tumulong! Kanina ka pang tulala jan” Seven

“Baka naman iniisip yung chics niya. Sexy ba paps?” Tres

My Playmate is a Devil! (ORIGINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon