CHAPTER 1

10 1 0
                                    

This is just another boring day to go to school sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa orasan na tumutunog na naka lagay sa ibabaw ng desk ko.

"Ahhh! Ayoko na talaga pumasok sa school kung p'wede lang na 'di na mag aral eh." Inis na inis na sabi ko habang padabog na tumayo sa higaan ko at pahampas na pinatay ang orasan
"arayy ko!!" 'di ko mapigilan ang sumigaw ng mapalakas ang hampas ko sa oras na dahilan ng pag sakit ng palad ko
"Annie??!" Nag aalalang tawag sakin ni mom sa labas ng pinto ko
"okay ka lang ba?" Tanong neto na halatang humihingi ng sagot
"Yes Mom" sabi ko agad
" Nak, bilisan mo na jan kung ayaw mo malate na naman" pag babantang sabi ni mami
"Okii maliligo lang ako ng napakabilis" sabi ko at patakbong dumeretsyo na agad sa cr..

"Ms. Philo late ka na naman." Bungad sakin ng teacher ko na tinatawag naming terror teacher dahil talagang 'di siya mag dadalawang isip na ipahiya ka at napaka moody madalas galit siya kahit wala kang ginagawa. Siguro kulang lang sa love 'tong si Ma'am.
"S-sorry po Ma'am-"
"Nalate lang po ako ng gising syaka po traffic" pag papatuloy niya sa sasabihin ko na may nakakaasar na boses
Ngumiti lng ako ng konti.
"Okay you may be seated" nakahinga ako ng maluwag ng sinabi ni Ma'am yan buti naman 'di niya ako papa guidance ulit hehe kasalanan ko naman talaga kase late talaga ako ngayon traffic naman kase talaga halos 30 minutes akong nag iintay maka pasok lang..next time aagahan ko na talaga.

Natapos ang discussion ni Ma'am ng wala manlang akong naintindihan.

"Goodbye." Pag papaalam ni Ma'am

"Goodbye Madam" Pag papaalam din namin.

Paalis na si Ma'am ng biglang lumingon ulit 'to sa amin at deretsyong tumingin sa akin nagulat ako pero di ko pinahalata.

"And Ms. Philo after class clean the library." Utos ni Ma'am bago tuluyang umalis.

"Malas!" Naiinis na sabi ko habang nakatingin sa dereksyon na dinaanan ni Ma'am.

"Annie feeling ko deserved" natatawang asar ni Kian bago uminom ng tubig.

Lalo akong nainis sa sinabi ni Kian, matapon sana laman ng tubig sayo hindi ko na siya pinansin pag kasabi ko non sa isip ko

"Pre! Dahan dahan lang kase!" Tawang tawang sabi ng mga lalake sa likod.

"Dre, 'di ka ba tinuruan pa'no uminom?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses nakita ko si Kian na basang basa ang damit tumingin ako kung san siya nakatingin sa tubig na hawak niya kanina so natapon ang tubig sa kanya? Kung inaasahan mo nga naman lakas ng human spirit ko ah sakto sa wish ko sa kanya.

Habang papuntang library hindi talaga ako mapakali para bang may sumusunod sakin na kung sino pero kapag tumingin ako sa likod walang tao. Kinawalang bahala ko nalang kase baka nahihibang na naman ako. Hindi naman ganon ka hirap ung sinasabi ni Ma'am na pag lilinis kase aayusin ko lang yung upuan tapos konting ayos ng lamesa the rest yung nag lilinis na papagawin ko aba di ako nag babayad sa tuition ko dito para lang mag linis noh. Imagine 18th birthday ko na sa susunod na linggo tapos eto pa yata regalo ni Ma'am napaka advanced eh.

"Tapos na din" sabi ko habang nakangiti na nakatingin sa mga mga mahahabang mesa na bawat gilid ay may mga single na upuan nakuha ng attention ko ang isang upuan sa pinaka dulo na di naka ayos na para bang may umupo duon na di manlang inayos o baka nakalingat lang ako kaya di ko naayos. Papunta na ako para ayusin yon ng biglang lumakas ang hangin na kina gulo ng buhok ko napapikit ako dahil sa lakas ng hangin at pag dilat ko nakita ko nalang na bukas na ang bintana nagtaka ako ba't naka bukas ang bintana eh aircon sa loob ng library.

Tumingin ako sa labas kung saan naka bukas ang bintana may nakita akong tao na naka mahabang jacket na parang dress na tapos naka hoodie pa 'to 'di ko maaninag amg mukha niya pero color asul ang damit nito 'di ko nalang pinansin kase baka napadaan lang yon. Sinara ko nalang ang bintana at agad na bumalik sa ginagawa ko.

5:00pm na ng makauwi ako 4:30pm ang awas namin eh edi sana nakauwi na ko kanina pa buset kaseng teacher yan daming alam sa buhay. Mag gagabi na tuloy mahirap na sumakay ng ganitong oras. Nag iintay ako ngayon dito sa waiting shed nag iintay ng bus or taxi para makauwi okay naman mag intay dito may bubong yung shed may upuan na apat at may cctv for protection siguro syaka may dalawang ilaw na malaki.

Nakatingin lang ako sa mga dumadaan na sasakyan ng mapatingin ako sa puno na nasa kabilang parte ng kalsada may naaninag akong tao don na nakatingin sa dereksyon ko, napansin ko ang damit nito na asul, teka siya ba yung kanina sa library? Ano ginagawa naman non don? Umiihi? Kadiri naman ba't duon pa kala niya ba di ko siya makikita kaya nakatingin siya dito? Napapikit ako sa naisip kong dahilan kalalaking tao duon pa naihi.

"Miss sasakay ka ba?" Dahan dahan kong dinilat mata ko ng marinig ko ang boses na 'yon

"O-opo" sabi ko at agad na tumayo tumingin ako sa lalaki na kanina lang ay nasa likod ng puno na ngayon ay wala na siguro tapos na siya umihi.

"Miss ano?" Tawag ulit sakin ni Manong na nakatayo na pala sa harap ko habang bukas ang pinto ng taxi.

Sumakay na ako sa loob at huminga ng malalim dahil sa wakas makakauwi na ako ng maayos pumikit ulit ako para huminga ulit ng malalim sa pangalawang pag kakataon parang kakapusin yata ako ng hininga eh dumilat ako ng marinig ko ang pag sara ng pinto sa driver seat..

Nakatitig lang ako sa dinadaan namin ni Manong papuntang bahay sinabi ko na kung saan kami nakatira at kita ko sa langit na gabi na talaga dahil syempre madilim na tanging ilaw ng mga poste, bahay at mga sasakyan nalang ang nakikita ko. Hindi talaga pala labas mga tao dito... Pinikit ko muna ang mga mata ko para maka idlip dahil malayo pa naman kami.

Author: Wow pagod sa pag lilinis ng library Annie? Kung di ka kase nag papa late edi sana di ka nag lilinis. Pero sino nga ba ang mysterious guy at bakit duon pa siya umihi sa kita naman siya? HAHAHAHAHA.

THE WORLD FAR FROM I KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon