THE REVEALATION

3 0 0
                                    

Third Person

"Annie anak!" Umiiyak na tawag ni Mrs. Lyn
"Apo!"
"Paanong nalaman nilang nandito tayo!" Naiiyak na sabi ni Mrs. Lyn
Hala baka tuluyan ng nakuha ng lalake ang charm ni Annie means mamamatay ang katawan ni Annie makukuha niya ang kapangyarihan neto at ang kaluluwa ni Annie ay mawawala nalang na parang bula. Ilang minuto nalang ang natitira simula ng makulong si Annie sa illusion ng lalake wala pa siyang alam sa magic magic kaya malaki ang chance na mamatay siya.
"Anniee!!" Sigaw nila ng unti unting dumidilat na ang mata ni Annie napanganga ako sa gulat dahil pano niya nalagpasan ang illusion ng lalake? Buti nalang nakabalik siyang buhay!

Annie Pov

"Anniee!" Sigaw ng mga tao sa paligid ko
"Annie ko!" Umiiyak na tawag sakin ni Mom at niyakap ako
"Buti nalang naka labas ka!" Sabi ni grandma
"Saan po?" Tanong ko bigla.

Nilingon ko ang buong paligid nasa bahay lang pala ako nila grandma?? Pumikit ako at inisip ang nangyari parang kanina nasa isang gubat akong napaka dilim kasama ung isang lalaki ahh?? Dumilat ulit ako dahil naalala ko na sinaksak ko ang sarili ko hinawakan ko ang parte ng katawan kong sinaksak ko pero walang sugat napatingin sila sa hinawakan kong part.

"Sinaktan mo ba sarili mo?" Tanong nila
"O-opo kase sabi niya ako daw kailangan niya at kapag nawala ako bale wala na daw lahat mg effort nila" dere deretsyong sabi ko na parang normal lang
"Kaya ano ginawa mo?" Tanong ni mom
"Sinaksak ko sarili ko" sabi ko
Umiyak si Mom sa sagot ko niyakap siya ni Grandma
"Apo tama ang ginawa mo dahil kung hindi mo ginawa yon ay siguro ngayon patay ka na" pag sangayon ni grandpa na kinatahimik nila mom at grandma
"Oh bakit? Totoo naman ah?" Dagdag nito
"Ano po ba talaga ang nangyayari? Bakit kung kelan 18 na ko may nag babanta sa buhay ko may humahabol sakin ba't parang ang daming nangyayari na di ko maintindihan"

Kinuwento nila sakin kung ano ang illusion na pinasukan ko minsan daw ito ay nag sisimula sa  pag hawak sa biktima nila at ang tanging paraan lang para maka alis dito ay gawin mo ang hindi mo talaga kayang gawin, since sapilitan ang ginawa kong pag saksak sa sarili ko nawalan ng effect ang illusion. Pero parang di naman sapilitan ang ginawa ko eh nawala nalang bigla.

"Apo sorry kung hindi naging maganda ang birthday mo, mag pahinga ka nalang muna at bukas dadalhin ka namin sa bago mong school 'wag kang mag alala ligtas ka don dahil malalakas at protektado ang lugar na 'yon." Pagpapakalma sakin ni grandma.

"Eh kayo po? Sabi niya sasaktan niya kayo" pag aalala ko.

"Hindi apo. Kaya namin sarili namin" pag tatama yan habang nakangiti.

Hinatid ako ni Mom sa kwarto ko at nginitian ako.

"magiging ayos din ang lahat" nakangiting sabi niya bago ako iwan

Andaming tanong ang umiikot sa isip ko ngayon gustong gusto ko na ilabas at itanong lahat 'to parang sasabog na ko sa sobrang dami.

Una bakit ako nanditoo, pangalawa anong magic magic ba yon, pangatlo bakit may gustong kumuha sakin, pang apat ba't kailangan kasama pamilya ko? Pang lima bakit pa ko papapasukin eh delikado na nga di naman ako makaka focus kung alam kong may nag babanta sa buhay namin, pang anim--
Hindi ko na tinuloy ng sumakit ang ulo ko. Mas gugustuhin ko pang pagalitan ni Ma'am kesa dito sa nangyayari ngayon eh okaya mas okay pang mag linis ng buong school kesa mangyari ulit ung illusion 😭😭.

Next day....

" Mom? Grandma? Malayo pa po ba?" Tanong ko habang naka tingin sa bintana
"Malapit na tayo"
"Kanina pa po yang malapit niyo" pag tatama ko
"Malapit na nga tayo apo" nakangiting sabi ni Grandma

Iidlip na sana ako ng sabihin ni Mom na nandito na kami napatingin agad ako sa labas ng kotse at nakita ang isang malaking gate na kulay rose gold na for sure gawa sa bakal at napansin ko din na mag kasing laki ng taas ang gate at pader ay hindi mas mataas ang pader ng ilang inches siguro...
Tumingin ako sa loob ng wait school ba talaga 'to? Ba't apaka laki naman? Namangha ako ng bumukas ang pintuan ng hinawakan ni Grandma ang parang maliit na bilog sa gilid ng gate ano ba yon? Auto ano? Auto opening? Shala ah high tech ang school ko.

Habang papasok kami lalo kong nagustuhan ang paligid ang daming halaman sa gilid ng daan at mukhang inaalagaan talaga. Nakita ko din sa bandang kanan ang mga for sure students na nag lalaro ng basketball rinig na rinig ang sigawan ng mga babae na nag s-support siguro sport time ngayon.

"Annie baba na" utos ni Mom at bumaba naman agad ako isang malaking pintuan ang tumapat sakin wow ang laki naman ano 'to? Nakatitig lang ako sa pintuan ng hilain na ako ni Grandma papasok

"Annie tara na papakilala kita sa headmaster at sa ibang faculties" nakangiting sabi ni grandma
Derederetsyo na kami may ilang students kaming nadaanan nginingitian nila si Grandma pero pag dating sakin ay hindi na aba aba!

"Goodmorning Mrs. Hilton" bati ng isang grupo ng mga babae na ang gaganda hala ba't ang gaganda neto? Totoo ba sila? Napatingin sila sakin at ngumiti din sila sakin wow first time may ngumiti sakin ah
"Who is she po?" Tanong ng isang color blue yung buhok ang ganda ang liit ng mukha color brown ang mata na malaki maganda din katawan niya medj may kaliitan nga lang pero cute siya!
Sasagutin na sana siya ni grandma ng may narinig kaming malakas na boses
"MRS. HILTON!!" Nakangiti at masayang bati ng isang lalake na feeling ko eh nasa 20s lang mga 23 na siguro yan o 25.
"Mr. Grint" nakangiting bati ni grandma sa kanya
"Madam sabi ko naman po na Nathan nalang po" nahihiyang sabi nito

Nakatitig lang ako sa mukha niya ngayon lang ata ako nakakita ng pogi sa buong buhay ko ah? As in ampogi talaga.
Yung mukha niyang sakto lng ang shape hindi mahaba hindi pabilog yung mga mata niyang blue yung labi niya yung buhok niyang naka taas na naka side yung height niya pasok na pasok sa standard ko 'to mahal ko na yata si Mr. Grint ah?? HAHAHAHAHA ay teka teka
"Miss?" Nagising ako sa reyalidad ng nakatingin na pala sila sakin, nakatingin sakin si Mr. Grint na winewave ang kamay niya sa harap ko
"Mrs. Hilton is she okay po?" Nag aalalang tanong ni Mr. Grint kay Grandma
"Annie! Okay ka lang?" Tanong ni grandma sakin with matchy hawak sa braso ko
"Baka dahil lang sa nangyari last night" pag eexcuse ni Grandma

Teka ba't kase ganito hindi ako makapag salita ???

Author: bakit di ka makasalita Annie? Na love at first sight ka ba??? HAHAHAHAHHA

THE WORLD FAR FROM I KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon