"Napapagod na ako" hinihingal na sabi ni Calmé habang naglalakad kami sa mga punong kahoy na matataas."Kung maglakad ka nalang at tumigil sa kakainarte jan" sagot ni Jared sa kanya
"Inuubos mo lang energy mo kakasalita jan" dagdag pa niya"Hayaan mo na yan Calmé maglakad ka nalang" sabi ko kay Calmé at ngumiti
"Malapit na ba tayo Claude?" Tanong ko dito na nasa unahan ni Calmé nasa likudan kami ni Jared at Claude, si Claude ang may hawak ng map dahil magaling naman daw siya magbasa neto.
Hindi ito sumagot kaya hinayaan ko nalang dahil baka busy siya sa pagiisip napatingin ako sa paligid na puro punong malalaki parin ang nakikita ko halos ilang oras na kaming naglalakad inabutan pa kami ng tirik ng araw dahil sa init lalong nakakapagod at pawis na pawis na kami. Napansin ko na parang hindi kami naalis sa lugar na 'to ano ba yan ganito na ba kahaba ang nilalakad namin?
"Claude ano na?" Tanong ko ulit dito at pumagitna sa kanilang dalawa ni Jared
"Ngii! Buang ka talaga Claude sabi diba gamitin ang map! Ba't naka tupi parin yan" tanong ko dito
"Malapit na kase tayo kaya yan" natatawang sabi nito sa akin
"Siraulo ka" inis na sabi ko dito
"Shhh" pagpapatahimik ni Calmé sa amin na nasa gilid na ni Claude
"May naririnig akong tulog na mga tigre" mahinang sabi nito
"Wag kayo maingay baka magising natin sila, isang grupo pa naman sila" dagdag ni Calmé
"Sa dulo nito kita niyo? Mula sa kinakatayuan natin derederetsyo lang makakalabas na tayo ng gubat" sabi ni Claude habang nakatingin sa mapa ngayon
"Mas maganda siguro kung mag hiwalay muna tayo sa dalawa para hindi masyadong maingay?" Tanong ni Claude
"Wag na para sabay sabay tayong makalabas" di pag sangayon ni Calmé
Tumango lang si Claude at naglakad na kami ng tahimik napansin kong palingon lingon si Calmé sa paligid na para bang may hinahanap ito
"Tsk. Alam na nila" inis na sabi ni Claude at huminto, huminto din nama kaming tatlo.
"Oh no" kinakabahan na sabi ni Calmé
"Should I kill them na ba?" Tanong ni Jared at akmang naglabas na ng apoy sa kamay
"No! Malalaman ng mga officials at p'wedeng madamay ang academy dahil students nila ang gumawa kung magkakataon." Pagpapahinto ni Calmé
"Then do something, talk to them and tell them to leave us alone" utos ni Claude na nakatingin sa mga puno
"Napapalibutan pa nila tayo oh" dagdag ni Claude
Napatingin ako sa paligid wlaa naman akong nakikita eh nasan ba?
"No Claude kahit anong pakiusap ko pa 'di sila makikinig theory nila 'to and I can't do anything since they are wild. Mahirap sila paamuhin" kinakabahan na sabi ni Calmé
May naririnig na kaming mga ingay ng tigre sa paligid na para bang galit na galit pero di ko parin sila nakikita
"What if lumipad nalang tayo Claude kaya mo naman siguro kaming palipadin" sabi ni Calmé
"Ano ako magician? Isang sabi lang lilipad kayo? 'di ko pa kaya yon pagaaralan ko palang" sabi nito
"Tumakbo nalang tayo" sabi ni Claude
"Magkita tayo sa labas neto deretsyo lang okay?" Sabi ni Claude at tumingin kay Jared tumango si Jared
"Let's run ah pagbilang ko nang tatlo." Sabi ni Claude
BINABASA MO ANG
THE WORLD FAR FROM I KNOW
FantasyGrowing up on a simple world is what Annie always been, not until last week before her 18th birthday everything changed.. Eme eme lang to pls lang HAHAHAHAHAHHAHAHA