CHAPTER 2

5 0 0
                                    

"Miss nandito na tayo" rinig kong sabi ni Manong habang naka tingin sakin.

Agad agad naman akong bumaba at nag pasalamat malayo layo pa bahay namin dito kase yung subdivision di naman pinapayagan ng head dito na mag papasok ng taxi eh kase isang beses na nag papasok ng taxi mag nanakaw pala ayon naka nakaw sa unit 35 kaya di na ulit pinayagan maka pasok ng taxi kaya eto ako ngayon mag lalakad.

Hahakbang na sana ako para mag lakad ng biglang may narinig akong nag c-cat calling napalingon ako kase chismosa ako eh malay ko ba kung ako yon di lang ako kilala diba?

"Psstt"
"Psstt"
"Psstt"

Sunod sunod na tawag ng iba't ibang boses babae at lalake ang naririnig ko nililingon ko naman kung saan nanggagaling yung boses pero walang tao sa paligid. Nagulat ako ng sabihin nila ang name ko.

"Annie sumama ka na samin"
"kailangan mo kami"
"Kami ang makakatulong sayo"

"Sino ba kayo? Anong makakatulong saan? Wala naman kaming financial problem pinag sasabi niyo?" Pag tatapang ko kahit halata sa boses ko na natatakot na ako umiikot na paningin ko sa sobrang daming boses na naririnig ko.

"Malapit na. Malapit mo na kaming makilala."
"Mapupunta ka din samin"
"Sasama ka sa amin sa daktang panahon..."

"Annie??!!" Rinig kong sigaw ng isang babae na sobrang familiar sa akin.

Hindi ko na narinig ang ibang nangyari tuluyan ng nag black ang paningin ko ang tanging nararamdaman ko lang ng oras na yon nasusuka na sobrang hilong hilo na para bang pinapaikot nila ako habang nag sasalita sila nanghihina ang buong katawan ko.

Nagising ako sa sobrang tirik ng araw na nasisinagan ang mukha ko dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at napansin na nasa kwarto na ko. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi parang binaba lang ako ni Manong tapos maya maya may tumawag sakin.... kinalibutan buong pagkatao ko ng naalala ko yon what if nandito lang yon ulit? Nakakatakot naman ayoko na pumasok sa school baka nandon yon.

Nag taklob ulit ako ng kumot habang inaalala yung nangyari, sino yung tumawag sakin kahapon? Ba't kailangan ko sumama? Ano meron? Ano ba nangyayari?

Narinig kong may kumatok ng tatlong beses sa pintuan ko 'di ako umimik "Annie ako 'to si Mommy mo." Sabi nito agad agad akong tumayo at pinag buksan siya ng pinto.

"Nak, okay ka lang ba?" Tanong neto pero hindi ako makapag salita ng mapansin kong may galos ang pisngi niya na para bang nahiwa at yung kamay niya na kanan na ganon din.

"A-anong nangyari sayo?" Pag babalik tanong ko.

"Ah eto? Nag luto kase ako" Nakangiting sabi nito habang hawak ang sugat niya sa kamay nagiinit ang gilid ng mata ko dahil alam kong may ibang nangyayari kung kelan mag b-birthday na ako next week which is 3 days nalang kase friday na ngayon sat-sun wlang pasok tapos mon bday ko na.

"Nak wag ka na muna pumasok" sabi nito at agad naman akong napatingin ulit sa kanya.

"Dito ka muna sa bahay mag ayos ka ng gamit, duon muna tayo titira kanila mama, sa grandparents mo duon ka na din mag patuloy ng pag aaral mo" derederetsyong sabi nito na kinagulat ko.

"B-but why so sudden?" Takang takang sabi ko.

"no more questions okay? Breakfast is ready" Seryosong sabi nito at niyakap ako bago lumabas ng kwarto.

Naiwan akong nakatayo dito bakit biglaan naman ata pano yung school ko dito? Pero mas okay na siguro yon para malayo ako sa stalker ko oo stalker na itatawag ko don siguro crush lang ako non kaya niya ako sinusundan. Di ko siya masisisi maganda lahi namin.

Nag ayos lang ako ng katawan bago bumaba hinanap ko kung nasan si Mami tanging si Unice lang nakita ko dito sa baba habang nakain nasan si Mom? Nag lalakad lng ako ng marinig ko ang boses ni Mom habang may kausap sinundan ko ang boses at nakita kong may kausap siya sa phone niya.

"Yes mama, pupunta kami sa mismong 18th bday niya."
"Oo feeling ko alam na nila"
"Hindi ko alam gagawin ko hindi ko sila kayang lahat pinag bigyan lang nila ngayon kase wala pa sa tamang oras pero for sure mama babalik sila! Kaya soon as possible kailangan maka uwi kami jan." Sunod sunod na sabi ni Mommy na parang kabang kaba bumalik ako sa dining room dahil masyado na kong nagiging chismosa sino ba tinutukoy ni Mom? May tinataguan bang utang si Mom? Kaya gusto niyang umalis na kami? Sumasakit ulo ko eh ano ba nangyayari!

3 days later...

"Mom seryosoo ba? Ba't pa kase tayo uuwi kanilang grandma, carry ko naman dito."  
"Napagusapan na natin 'to Annie Philo! Pls lang makinig ka sakin kahit ngayon lang." Galit na sabi ni Mom habang nag d-drive ng kotse

Nanahimik nalang ako habang nakatingin sa dinadaanan namin ba't naman parang puro puno na nakikita ko? Sa bundok ba sila nakatira??

"Saan pala bahay nila grandma? Parang 'di ko pa ata napupuntahan yon?" Biglang napatanong ako kase sa vc lang kami madalas mag usap ni grandma di pa kami nakaka bisita don.

"Kaya nga duon muna tayo para makapunta kayo" sabi ni Mom na parang ginawang excuse lang pag tanong ko.

Ba't puro puno na 'to, mukhang malayo pa kami iidlip muna ako..

"Malapit na tayo" napadilat ako sa sinabi ni Mom nabasa ko ang naka lagay sa arko
VALLEY DEL PHILO  wow shala naman may sariling Valley? Wait tama ba pag kakagets ko? Ewan HAHAHAHA pag pasok namin sa arko parang nag iba na yung nararamdaman ko parang may nag iba talaga. Ano ba yon baka nagugutom lang ako ilang oras na kase kaming nasa byahe baka nga dahil don lang.

Grandparents House...

"Annie, Unice mga apo" nakangiting bati ni grandma samin pag baba namin ng kotse
"Nandito na pala ang birthday girl natin"
Napanganga ako sa ganda ng bahay nila grandma as in parang isang maliit na bahay lang pero hindi maliit na bahay pano ba maieexplain ganito..May malawak na garden sila na may mga halaman may bunga, tapos yung pintuan nila ay kahoy halos kahoy ang bahay nila grandma pero old fashioned style kaya talagang magagandahan ka.

"Dalagang dalaga na eh" natatawang sabi nila habang papasok kami sa loob hanggang ngayon namamangha parin akoo sa istura ng bahay.

THE WORLD FAR FROM I KNOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon