Nandito ako ngayon sa kwarto ko oo kwarto ko daw ito sa ngayon dahil dito kami for temporary reason, maybe dahil talaga 'to sa stalker ko na ewan ko ba kung bakit ako pa pinag tripan dahil sa kanya lumipat kami ng wala sa oras.Nagising ako sa reyalidad ng may kumatok sa pintuan ko agad agad naman akong pumunta at pinag buksan ito..si grandma
"Apo mag 6pm na, bumaba ka na at mag c-celebrate tayo ng 18th bday mo!" Masayang sabi ni grandma habang hawak ang dalawang kamay ko ngumiti naman ako
"Opo, teka lang mag bibihis ns ako"
"oo oo tama mag bihis ka na intayin ka namin sa baba" nakangiting sabi ni grandma bago isara ang pintoAng pinasuot nila sakin ang mahabang dress na color Mint Gelato with matching flower sa gilid ng damit naka lagay na mismo sa damit ang bulaklak na color red at isang heels na may 2 inches lang ang takong na color silver at naka buns ang buhok ko na may konting design sa unahan.
Nang matapos ko na ang pag bibihis ay huminga ako ng malalim bago bumaba humakbang na ko para buksan ang pintuan ko ng biglang lumamig ang hangin lumingon ako sa pinanggalingan ng hangin pero walang tao kundi ang bintana ko na nakabukas. Teka sinara ko na to ah?? Panong nakabukas na naman yon? Napaisip ako bago nag lakad para isara ito.
Pag ka sara ko neto ay agad agad akong lumabas ng pinto at bumaba naririnig ko ang tunog ng music na parang classical music walang lyrics kundi instrument lamang lakas maka mayaman eh, binuksan ko ulit ang pintuan ng mapansin na biglang tumahimik ang buong lugar teka bakit ang dilim? Tanging ilaw lamang ng lampara ang nandito at may lalaking nakatalikod sa akin.
"Excuse? 'di po ba kayo papasok?" Tanong ko kase malay mo bisita pala siya sa bday ko diba? Napansin kong naka long sleeve siyang gray at pants na gray meron siyang sumbrelo na color black pero di ko nakita ang mukha niya kase nakatalikod siya.
"Excuse me?" Pag uulit ko.
Kinakabahan na ako ang creepy ng isang 'to hindi naman ako pinapansin neto siguro di naman invited 'to isasara ko na sana pinto ng may tumawag sakin.
"Annie" napatingin ako kung san nanggaling ang boses duon din kung san nakatayo yung lalake pero this time si mom na nakita ko.
"Mom! Nanjan ka lang pala nakita mo ba yung lalake?" Tanong ko dito habang papalapit sa kanya.
"Sinong lalaki?" Nakangising tanong ni Mom napansin kong ang creepy ng ngisi ni Mom kase di naman ganon si Mom eh.
"Nak. Tara sumama ka sakin" Aya ni Mom habang hawak ng mahigpit ang wrist ko.
"Mom ang sakit sasama naman ako wag mo naman higpitan ang hawak sakin. " Sabi ko dito nakita kong lalo siyang ngumiti na this time nakakatakot na.
"Sinusubukan mo ba akong takasan?" Nakangiting sabi niya sakin
Kinakabahan na ko lalong humihigpit hawak niya sakin."Annie"
"Annie"
"Annie"Narinig ko na naman yung boses na narinig ko nung gabi bago ako nawalan ng malay.
"Hindi ikaw si Mom!!" Sigaw ko dito habang pilit na hinahatak ang kamay ko.
Naiiyak na ko sa kaba at takot na nararamdaman ko sumabay pa yung ngiti niya na nakakatakot talaga. Lalo bumilis ang patak ng luha sa mga mata ko ng makita ko kung pano ang mukha ni mami ay natunaw at nagpalit ng ibang mukha isang lalakeng may katandaan na may salamin sa isang mata may bigote din ito at may gold ang isang ngipin na nasa kaliwang side habang nakangiti na naman siya, ngayon mas nakakatakot dahil totoong mukha niya na ito.
"Kung ako sa'yo hindi na 'ko mag mamatigas!" Sabi nito at hinila na ako.
"Ayoko sumama sayo!!" Sigaw ko dito habang pinipilit na alisin ang kamay niya sakin.
"At anong magagawa ng tulad mong hindi manlang alam ang charm niya??" Natatawang sabi nito.
Nakatitig lang ako sa kanya dahil di ko naman alam sinasabi niya nasisiraan na siguro ng bait 'to.
"Anong charm? Baliw ka na ba?! Baka nag kakamali ka lang birthday na birthday ko sinisira mo araw ko?!" Sigaw ko dito.
Lalong lumakas tawa niya at this time kita ko na ang yamot sa mga mata niya.
"Lumayo ka sakin!" Utos ko sa kanya
Tumawa lang ito ulit.
"Huwag kang tumawa! Seryoso ako" banta ko dito
"Ano naman gagawin mo?" Tanong neto na may pag mamayabang
"Eto!" Sabi ko at sinipa siya sa parte ng katawan niyang ikakasakit niya talaga .Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa puro puno nalang nakikita ko feeling ko malayo na ko nag pahinga muna ako sa likod ng puno wla na kong sapatos dahil abala lng yon sa pag takbo ko.
"Annie nasan ka na? Huwag mo na pahirapan sarili mo!" Sabi nito sakin randam ko ang inis at galit sa tono niya lumingon lingon ako para malaman kung nasan siya pero wala ni anino niya.
"Kailangan mo kami, hindi mo kayang kontrolin ang kapangyarihan mo ng wala kami! Sa amin ka na sumama."
"Hindi kami masasama hindi ka namin sasaktan kung sasama ka samin magiging kakampi mo kami."
"Sumama ka na"
"Annie tara na"
Ano ba pinag sasabi nito? Sigurado ba siyang tama nakuha niyang babae? Baka kapangalan ko lang yon! Anong kapangyarihan ? Eh wala nga akong powers kung meron lang edi sana ngayon palang naka alis na ako dito hindi ako natakbo na parang baliw diba?? sinampal ko sarili ko dahil hindi ko na kaya ang mga nangyayari ano ba talaga nangyayari baka nananaginip lang ako napahawak ako sa pisngi ko sa lakas ng sampal na nagawa ko napapikit ako sa sakit.
"Nandito ka lang pala" nakangiting sabi nito napatayo ako sa sobrang gulat nandito na agad siya.Nakatingin ako dito habang may hawak siyang kutsilyo wait wag mo sabihin na gagamitin niya sakin yan? Dapat sa cake ko yan gagamitin hindi sa akin eh! Ano ba kase nangyayari ngayon naman may gustong pumatay sakin.
"wag kang mag alala di kita papatayin...." Nakangiting sabi nito habang nilalaro ang kutsilyo
"Sa ngayon." Dagdag nito bago tumingin ng seryoso sakin
"Alam mo Annie? Kung mag mamatigas ka hindi ikaw uunahin namin saktan kundi ang pamilya mo." Banta nito.Nagulat ako sa pag babago ng lugar tila ang madilim na lugar ngayon nag iba na ang lalo kong kinabigla ng lumabas ang reflection nila Mom, unice at nila grandma sa buong paligid na mga nakangiti.
"Kita mo yang mga yan?" Sabi nito na parang walang balak lingonin manlang
Di ko na mapigilan ang pag luha ko
"Sila ang unang mamamatay bago ka." Straight to the point na sabi nito
"At kung sumama ako? Di mo ba sila masasaktan?" Tanong ko
Tumigil ito sa pag lalaro ng kutsilyo at nakangiting tumingin sakin "Oo naman, ikaw lang naman kailangan namin eh. Pero kapag nawala ka parang sayang lang din effort namin diba?" Sabi nito habang nalapit sakin
"Ano nakapag desisyon ka na ba?" Tanong nito
"Tignan mo nalang ang masasayang ngiti nila..."
"Gusto mo bang mapalitan ng ganito" napapikit ako habang naiyak sa biglang pag iiba ng mga reflection tila mga nakahiga sila habang wala ng hininga
"Tama naaa!!!" Sigaw ko habang umiiyak
Habang iniisip ko ang mangyayari naalala ko ang sinabi niya na kung wala ako edi parang wala lang din ang effort nila? Tama ba? Edi mas magandang mawala nalang ako.Ayon lang ang nasa isip ko ang wakasan ang buhay ko dahil hindi ko kakayanin na makitang mawalan ng hininga ang mga mahal ko sa buhay.
Napatingin ako sa hawak na kutsilyo nito sinaksak niya ito sa puno at akmang lalapit na ulit sakin, kailangan ko makuha ang kutsilyo.
"Annie naka decide ka na?" Tanong neto
"Oo" sabi ko dito habang papalapit sakanya hindi na ito nag lakad at iniintay na lumapit ako sa kanya
Tumingin ito sa relo niya at tumingin ulit sakin
"5minutes" nakangiting sabi nito ng nasa tapat na ako ng kutsilyo ay agad ko itong kinuha nawala ang ngiti sa mata niya at tumingin sakin
"Nahihibang ka na ba? Ano gagawin mo?" Tanong nito sakin
"Kung ano ang mas nakakabuti"
Ngumiti ako at sinaksak ang sarili ko
"Huwag!!" Sigaw nito
Lumabo na ang paningin ko at napaluhod na ako pero walang sakit sa nararamdaman ko nakita ko siyang nakatayo lang may sinasabi siya pero di ko na maintindihan.Author: ano na kaya sunod na mangyayari? Namatay na agad ang bida? The end na ba? HAHAHHAHA
BINABASA MO ANG
THE WORLD FAR FROM I KNOW
FantasyGrowing up on a simple world is what Annie always been, not until last week before her 18th birthday everything changed.. Eme eme lang to pls lang HAHAHAHAHAHHAHAHA