***
Tila ba ako'y nasa ulap
Tinatantya ang bawat galaw
Hindi malaman itong aking nadarama
Hininga'y pahinto-hinto dahil sa kabaHanggang saan ba aabot ito
Hangarin ko ba talagang mapansin mo
Napapaisip kung tama bang ako ay umasa
Nanaisin bang pareho tayo ng tingin sa isa't isaAlaala ng mapupungay mong mga mata
Alapaap ay mistula ngang abot-kamay ko lang
Sapagkat ang titig mo ay parang sinag ng haring araw
Salungat sa madilim na katotohanan na maling akala lang ang lahatKakarampot na lamang ang natitirang pag-asa
Kakayanin pa bang magmahal kahit na ako'y paubos na
Mamahalin mo rin kaya ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo
O matatauhan din sa huli na wala akong puwang sa puso mo.***
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pusong Sawi | ✓
PoetryMga Tula #4 Genre: Poetry Date Started: 11/14/22 Date Finished: 02/25/23