***
Sa bawat paglipat ng pahina
Lakas ng loob ko'y humihina
Gusot na papel at mga bakas ng tinta
Sa tuwina ay nagpapaluha sa mga mataHindi sukat akalain na sobra kitang minahal
Para makasulat ng ganito karaming mga tula
Mauubusan din kaya ng mga salitang ihahayag
Ang puso kong hindi magkamayaw na mahalin kaKuwadernong itim na may itinatagong lihim
Mga nakasulat dito ay nagsisimula nang dumilim
Sa tagal ng panahon na nakakubli ang mga salita
Isinarili ng aking puso para sa kapakanan nating dalawaPagsinta na 'di naghahangad ng anumang kapalit
Matagal nang natanggap na hindi mo mapapansin
Ngunit posible nga bang mapagtanto mo rin ito sa huli
Kung kailan napaglipasan na ng panahon itong aking lihim.***
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pusong Sawi | ✓
PuisiMga Tula #4 Genre: Poetry Date Started: 11/14/22 Date Finished: 02/25/23