***
Habang ginugunita ang mga alaala nating dalawa
Kirot dito sa puso ko'y lalo lang lumalala
Hindi ko lubos maisip kung bakit ikaw pa rin
Ang isinisigaw nitong aking istupidong damdaminAyos lang kaya na isip-isipin ka pa rin
Lalo na ang ngiti mong halos ayaw kong limutin
Bakit pa ba kasi ipinipilit dito sa aking isipan
Ang kabulaanan na mayroon ka pa ring nararamdamanKaya ko bang kalimutan ang masasaya nating alaala
Darating din ba ang araw na wala nalang para sa'kin ang lahat
Hindi na muling gugunitain ang ating pinagsamahan
Maglalaho rin kayang parang mga bula ang aking mga agam-agamSa puso't isipan ko man ay nakaukit ka na
Pero siguro nga'y dapat nang pakawalan kita
Palayain mula sa kamay ng pag-ibig kong ayaw mo na
Sisilyuhan nalang ang puso upang 'di ka na mahalin pa.***
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pusong Sawi | ✓
PoetryMga Tula #4 Genre: Poetry Date Started: 11/14/22 Date Finished: 02/25/23