MTNPS09

12 0 0
                                    

***

Sa aking pagbagtas sa blangkong daan
Hinahanap-hanap ko ang dating pakiramdam
Nang hindi nag-iisa at may kahawak-kamay
Sa anumang problema ay mayroong karamay

Pero ngayon ay hindi ko na halos makilala
Ang noong mundo na binuo nating magkasama
Para akong ligaw na pusa na palinga-linga
Hindi malaman kung saan nga ba pupunta

Kailanman ay hindi sumagi sa aking isipan
Na magkakaroon ng agwat sa ating pagitan
Iyong sinukuan dahil bigla na lamang napagod
Gano'n nalang ba kadali na ibaon lahat sa limot

Masasagip pa kaya kita sa paglimot mo sa akin
Ako ba ngayo'y estranghero na sa iyong paningin
Paano nga ba tayong dalawa humantong sa ganito
Bakit pa nakilala kung 'di rin naman tayo hanggang dulo.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula Ng Pusong Sawi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon