***
Kumusta na kaya ang pusong mapaglaro
Nag-aalala sa kasalukuyang estado nito
Hindi natatakot na sundan lang ang bugso
Parang hindi nadadala na masaktan itoGanito nga ba talaga kapag nagmamahal
Walang pakialam kahit mukhang tanga na
Lunod sa pakiramdam ng may minamahal
Kahit na alam namang maling umasa paNaghihintay ang pusong mahalin mo pabalik
Ang hangarin na ito ay isang halik sa hangin
Gayunpaman ay heto ako't patuloy na umiibig
Ilang beses pa mang masaktan sa iyong lingidIsang laro na hindi ko na sana sinubukan pa
Ngayon tuloy ay nagdurusa sa pagmamahal sa'yo
Maling tao pala ang bingyan ko ng atensyon
Sana nga'y sa tamang tao nalang ako nahulog.***
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Pusong Sawi | ✓
PuisiMga Tula #4 Genre: Poetry Date Started: 11/14/22 Date Finished: 02/25/23