MTNPS03

15 0 0
                                    

***

Tila ika-bente kuwatro na ng Disyembre
Sabik sa ligayang hatid ng kapaskuhan
Kung saan nagwawala ang puso sa sobrang saya
Sana nga'y ganito nalang ako kasaya araw-araw

Batid kong lihim ang pag-ibig ko para sa'yo
Ngunit hinahayaan pa rin ang damdamin sa paglago
Alam kong parang isang sugal ang magmahal nang patago
Subalit hindi masisi ang sarili 'pagkat nahulog na nga ako

Bumabagal ang ikot ng mundo sa isang iglap
Tuwing ika'y nasusumpungan ng kahit ilang saglit
Ano pa kaya kung malaman mo ang tumatakbo sa isipan
Tanging ikaw lang ang laman at wala ng iba pa

Masasabi ko bang ikaw ang pasko ng buhay ko
O isasantabi na lamang ang halaga mo para sa akin
Dahil wala namang saysay na aminin ang damdamin
Lilisanin mo lamang ako tulad ng pasko kada taon.

***

Mga Tula Ng Pusong Sawi | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon