KINAUMAGAHAN... 🌟🌟
FINN POV
Nagising ako sa sikat ng araw, Ginala ko ang mga mata ko, Hindi ito 'yung kwarto ko, Agad akong umupo"Nasa bahay na ba ako?" Ang bahay na tinutukoy ko ay 'yung bahay mismo kung saan ako lumaki
"Gising ka na pala Noona" Nakangiting sambit ni Jana tsaka lumapit sa 'kin at niyakap ako
"Anong nangyare?" Tanong ko, Nakita ko naman ang pag pasok ni Luke sa kwarto
"Nawalan ka ng malay kagabi matapos kitang ilabas sa bahay nila Kyla" Tumango naman ako
"Kailangan ko ng umuwi baka hinihintay na ako ni Bella" Sambit ko, Pinigilan naman akong tumayo ni Luke
"Nandito siya kagabi, 6am umuwi siya para pumasok at siya na ang bahalang makipag-usap sa Dean niyo para i-excuse ka" Yumuko naman ako, Naalala ko 'yung nangyare kagabi "Wag mo munang isipin 'yan" Dugtong pa ni Luke
"Hindi pa talaga ako nakaka move on" Hinawakan naman ni Luke ang muka ko at iniharap sa muka niya
"If you can't, we are here to help you, Miss ka na ni Daddy" Pagkasabi ni Luke non biglang may tumusok sa puso ko
"H-How" Sabay kagat labi ko
"Kaya ka dinala dito noona dahil miss ka na talaga ni Daddy lalo na si Mommy" Tinignan ko si Jana na nakangiti
Kahit ako naman din miss ko na sila pero hindi nila ako maintindihan non
"Don't cry noona" Niyakap ulit ako ni Jana "Makakasama ka na namin" Dugtong pa niya
"Hinihintay na nila tayo sa baba, Prepare yourself" Tumango naman ako tsaka sila lumabas ng kwarto ko, Dumiretso naman na ako sa Cr para mag hilamos, toothbrush at Suklay
Na miss ko ang kwarto kong ito dito ako noon tumawa, nalungkot, umiyak, nasaktan
Matapos non ay agad akong bumaba nakita ko si Daddy na nasa sala habang nanunuod ng Tv
"Good Morning D-Dad" Nauutal kong Bati sa kanya, Tumingin naman siya sa 'kin at nginitian ako
"Come here" Tumango naman ako kay Daddy, Pag ka upo ko bigla niya akong niyakap
"I'm really sorry anak" Bigla na lang tumulo ang mga luha ko "Wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako" Dugtong pa niya
"I'm really sorry Dad" Sambit ko
"No anak ako dapat ang mag sorry sa lahat ng pag kukulang ko, Hindi kita inintindi na dapat kami lang ang makakaintindi sa 'yo, Hindi ko nagawa ang pagiging tatay ko sa 'yo" Hinarap naman niya ako at pinunasan ang mga luha ko "Na miss kita anak"
"Na miss rin kita Dad" Pinunasan ko rin ang luha ni Daddy
"Gusto kong bumawi sa lahat ng pag kukulang namin sa 'yo" Tumango naman ako "Ang panget nating umiyak" Parehas naman kaming natawa
"Nasaan si Mommy?" Tanong ko
"I'm here" Sagot ni mommy mula sa Likod ko, Kaya agad ko siyang niyakap "I missed you anak" Ngumiti naman ako
"I really missed you too mommy, Miss ko kayong parehas ni Daddy" Sagot ko naman
"Yiiieee bati na sila" Napatingin naman kami Kay Jana nakangiti, Sinenyasan ni Daddy sina Jana at Luke na lumapit tsaka kami ng group hug
YOU ARE READING
WHEN I REALIZED HOW MUCH I LOVE YOU
Teen FictionI won't wrote my story description just continue reading it thanks a lot and enjoy 😘😘😘