CHAPTER 27

166 4 0
                                    

12/01

Kinaumagahan....🫶🫶

FINN POV
 

"Finn, Ngayon ang birthday ni Blue pupunta ka ba?" Tanong sa akin ni Bella

"Oo" Sagot ko sa kanya, Ngumiti naman siya sa akin

"Alam mo ba ang theme ng birthday party ni Blue?" Umiling naman ako "E, 'di Red carpet theme, Kaya ang isusuot natin formal dress grabe 13 years old palang siya pero 'yung isip ang matured, 'yung mga ganiyang edad 'yung mga theme pang bata talaga" Ang daldal ni Bella para bang wala siyang kapagurang dumaldal, Tumango naman ako sa kanya at lumabas ng bahay, Iniwan ko siya roon nandoon naman si Kuya, Si kuya na ang bahala sa madaldal niyang girlfriend

From: Kenzo
   Punta ka rito sa Hide Out birthday ni David ngayon

To: Kenzo
   Okay

Bumalik naman ako sa loob para mag palit ng suot ko

Nag suot lang ako ng black pants and white shirts itong kalahati ng laylayan itinak-in ko sa Pants tsaka ako nag white shoes

Bumaba naman na ako at napansin nila ang suot ko

"Saan meeting natin?" Inirapan ko naman si Bella "Para kang pupunta sa company na makikipag meeting" Dugtong pa niya

"Ang cool ng pormahan natin ah" Nginisihan ko naman si Kuya, Hindi ko na sila pinansin pa dahil lumabas na ako at pumunta nasa Hide Out

Wala silang taste

-
-
-
-

Nang makarating na ako sa Hide Out nila Kenzo, Natanaw ko si Kenzo na nakasandal sa pader habang naninigarilyo kaya naman agad akong nag park at bumaba tsaka siya nilapitan

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kanya

"Hindi naman, tara" Tumango naman ako sa kanya

Pag pasok ko nakita ko silang nag sisimula ng kumain may nag ka-karaoke pa at sumasayaw

"Boys!" Sigaw ni Kenzo kaya lahat sila ay tumingin sa pwesto namin ni Kenzo, Nakita ko namang lumapit si David

"Angas mo Ate Finn para kang makikipag Business Metting" Nginisihan ko naman siya

Isa ka pa

"Happy Birthday" Sambit ko "Nasa Training Grounds niyo ang regalo ko sa 'yo" Ngumiti naman siya sa akin at pumunta sa Training Grounds

"Kumain ka muna" Sambit sa akin ni Kenzo kaya naman tumango ako, Lumapit ako sa mga pag kain nila

"Hello Finn" Nakangiting sambit ng isang lalake "Ako pala si Hilbert ang scout sa grupo" Nginitian ko naman siya

"Nice to meet you" Tumango naman siya sa akin at lumapit na siya sa nag kakantahan

"Grabe ang ganda!" Sigaw ni David kaya napalingon ako, Hawak-Hawak niya 'yung regalo ko habang sinisipat ito

"Hindi ba AWM tawag diyan? Ang gara gago" Natutuwang sabi nung Hilbert

"Ate Finn grabe ka heto 'yung Mauve Avenger AWM ang ganda kulay bayolet shit" Natutuwang sambit ni David kaya ngumiti ako "Thank you Ate Finn the best ka talaga" Dugtong pa niya, Nakita ko naman si Kenzo na nakangiti habang nakatingin kay David

WHEN I REALIZED HOW MUCH I LOVE YOUWhere stories live. Discover now