CHAPTER 28

157 4 0
                                    

Continue

Nang nag announce ang Emcee'ng bakla na pwede ng kumain isa-isang lumapit sa amin 'yung mga waiter na may dala-dalang pagkain

"Susyal" Sambit ni Bella

Kung ganito ba naman kami kayaman e, 'di tuwing occasion ganito lagi

Kumuha lang kami ng iilang pagkain mauubos namin

Nakita ko si Kenzo na halos puro vegetables ang kinuha at itong si David ay puro sweets

"Vegetarian?" Tanong ko kay Kenzo

"Hindi naman" Sabay ngiti niya sa akin

Nag simula naman na kaming kumain nila Kuya hetong si David tuwang-tuwa sa pag kain ng matatamis sana ay hindi sumakit ang ngipin mo

-
-
-
-

Nang matapos naming kumain, Naalala ko pala ang Gift ko Kay blue kaya naman tumayo ako

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Luke, Pinakita ko naman sa kanya 'yung hawak ko kaya siya tumango

Nag lakad na ako papunta sa table nila Blue, Nakita ko agad ang pag ngiti ni Blue kaya napangiti na rin ako

"I forgot, May gift pala ako sa 'yo" Nakangiting sambit ko kay blue tsaka ko sa kanya inabot itong regalo ko

"Can i open it?" Sambit niya

"Oo naman" Sagot ko, Agad naman niya itong binuksan

Hindi halatang hindi siya excited sa gift na binigay ko hahahahah

"Wow, The tools of Argument " Nakangiting sambit ni Blue

Alam kong magiging attorney siya soon kaya alam ko rin ang books na gusto niya

"Thank you Ate Finn" Sambit pa niya sa akin, Tumayo siya at niyakap ako "Alam mo na talaga ang favorite ko Ate Finn, Promise bukas na bukas babasahin ko ito" Lalo pa akong napangiti sa kanya

"Ako rin Blue may regalo" Napatingin naman kami sa babaeng katabi ni Grey, kung hindi ako nag kakamali siya si Diana, Inabot naman ni Diana 'yung regalo niya kay Blue

Halata namang hindi excited si Blue sa regalo mo tss

Nang mabuksan na ni  ang regalo para sa kanya, Ngumiti lang siya saglit kay Diana

Apple watch series 8

"Thank you po" Sambit niya at tumingin muli si Blue sa akin "Salamat talaga ate Finn, Sobra mo akong napasaya" Tinignan ko naman si Tita na hinimas ulit ang pisngi ni Blue

"Thank you Finn" Sambit sa akin ni Tita

"Wala po iyon alam kong soon magiging Attorney siya" Nakangiting sambit ko kay Tita

Aalis na sana ako nang marinig ko ang sinabi ni Diana kaya napatigil ako

"Heto i-try mong kainin" Napalingon naman ako sa pwesto nila

"Thank you" Sabay ngiti ni Grey, Kaya kumunto ang noo ko

Fling tss!

Lumipas ang ilang minuto biglang tumugtong itong kanta ni Moira

AKING HABANGBUHAY

Nakita ko ang iba na pumupunta sa gitna para sumayaw, Nagulat ako ng tumayo si Kenzo at inilahad 'yung kamay niya sa harap ko lalo akong nagulat ng may isa pang kamay kaya agad kong tinignan kung sino 'yon

WHEN I REALIZED HOW MUCH I LOVE YOUWhere stories live. Discover now