CHAPTER 01

1.2K 11 0
                                    


"Takbo Finn!" Sigaw ni Bella sa 'kin

Nandito kami ngayon sa hindi ko malamang lugar dahil hindi naman pamilyar sa 'kin ito at dito lang kami pinapunta, Hindi ko pinakinggan si Bella

"Matapang ang isang 'to!" Sigaw ng isang lalakeng may handkerchief sa ulo

"Finn ano ba!" Sigaw ulit ni Bella mula sa malayo, Tinitigan ko lang naman itong tatlong lalake

"Hawakan niyo siya" Utos ni handkerchief boy sa dalawang lalake, Hinawakan naman ako nung dalawa tsaka lumapit itong handkerchief boy sa 'kin at hinawakan niya yung baba ko "Hindi ka ba natatakot?" Tanong niya sa 'kin

"Bakit ako matatakot? Kaya mo bang pumatay?" Seryoso kong tanong sa kaniya

"Matapang boss" - Ulupong1

Bigla naman akong sinampal ni Handkerchief boy kaya naman dinilaan ko ang gilid ng labi ko at dinuraan siya sa muka

"Gago!" Sighal pa niya, Agad kong kinuha 'yung kamay ko sa isang lalake at bigla kong sinuntok sa muka itong nasa right side ko tsaka sinunod 'yung nasa left side ko, Susugod na sana si Handkerchief boy pero agad ko siyang kinuwelyuhan

"Babae lang hindi mo kaya?" Napangisi naman ako at tumingin ng seryoso sa kanya

"Subukan niyong mangialam!" Sigaw ni Bella sa dalawang lalakeng ulupong tinignan ko naman ang pwesto nila at may hawak si Bella na malaking kahoy, Tumingin ulit ako sa handkerchief boy

"Alam mo nakakatawa ka" Aniya.

"B-Bakit!" Sigaw niya

"Gusto kong matakot sa 'yo pero sa itsura niyo lalo ka na sa tingin mo may natatakot sa inyo? Napaka jeje niyo!!" Sigaw ko tsaka siya sinuntok, Napa higa naman siya sa suntok ko, Iwinasiwas ko ang kamao ko "Pucha! Sobrang tigas ng muka mo! Ano bang skin care mo? Simento!" Sigaw ko sa kanya

"Umalis na nga kayo!" Sigaw ni Bella sa dalawang ulupong habang uma-amba ng hampas sa dalawa, Tumayo naman itong si Handkerchief boy

"Ayoko ng makita ang pag mumuka niyo kaya umalis na kayo!" Sigaw ko pa agad naman silang tumakbo palayo, Hinampas naman ako bigla ni Bella

"Tang'na!!" Inis kong sabi kay Bella

"Kailangan ba talagang patulan mo 'yung mga 'yon!" Inis niya ring sabi

"Isang hampas mo pa sasamain ka sa 'kin!" Inirapan naman niya ako at binato sa malayo ang kahoy

"Umuwi na tayo bukas ay may pasok na kaya please Finn mag tino ka naman hindi sa lahat ng oras papatulan mo ang mga gano'ng tao" Napangisi na lang ako, Daig pa niya nanay ko

"Kaya nga nag layas ako sa bahay dahil...." Hindi na niya ako hinintay pang tapusin ang sasabihin ko dahil agad siyang nag salita

"Tigilan mo 'yang rason mo Finn!" Hinila naman niya ako sa braso at umuwi na

Umalis nga ako sa bahay meron naman akong kaibigang daig pa nanay kung mag sermon sa 'kin!

Habang nag lalakad kami sa highway, May narinig kaming sigaw na lalake

"Tulong!" Sigaw nito, Kaya naman napatingin ako kay Bella

"What?" Taas kilay niyang tanong

"Bingi ka na ba?" Tanong ko

"Ano mag papaka hero ka na naman? Ano ka si wonder woman?" Nginisihan ko naman siya at hindi na pinansin pa, Pinakinggan ko na lang ang boses ng lalake

WHEN I REALIZED HOW MUCH I LOVE YOUWhere stories live. Discover now