CHAPTER 13

167 6 0
                                    


Continue

FINN POV

"Cr muna ako" Sambit ni Grey, Tumango naman ako

May ganito pa palang magulang na ipagtatabuyan ang anak ranas ko yon pero ibang-iba ito kumpara sa 'kin, Ikaw ang tunay na anak pero yung hindi mo tunay na anak yung minamahal mo napaka gago ng ganon at ramdam na ramdam ko kay Grey yung sakit na nararamdaman niya ngayon

Uminom lang ako dito habang hinihintay si Grey bumalik

"Finn!" Sigaw ni Bella at pagbukas niya ng pinto, Kumunot ang noo ko "Finn si Luke" Pag kakasabi niyang yon agad akong lumabas at pinuntahan si Luke

Pagdating ko hawak-hawak ni Thiago si Luke sa kuwelyo habang sinusuntok, Napansin ko pa si Grey na nakahiga sa lapag

"Ang tagal mo Finn" Sambit ni Thiago

"Bitawan mo siya Thiago" Mahinahong sabi ko

"Kung noon sinusunod kita ngayon hindi na" Sabay sapak ulit ni Thiago kay Luke

"Ang sabi ko ayoko na kayong makita hindi ba?" Yumukom ang mga kamao ko

"Sa tingin mo susunod kami sa 'yo?" Tsaka siya tumingin sa 'kin

"Pinalagpas ko yung ginawa mo kay Bella pero itong ginawa mo ngayon hindi na, kung may problema ka sa 'kin ako ang harapin mo hindi ibang tao!" Sigaw ko, Binitawan naman niya si Luke

"Luke!" Sigaw pa ni Bella at lumapit kay Luke, Lumapit naman si Thiago sa 'kin

"Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas Thiago e, dati ka lang namang sunod-sunudan sa 'kin" Ngumisi naman siya at sinampal ako

"Matapang ka pa rin talaga" Pagkakasabi ni Thiago non, Nagulat ako ng sinuntok siya ni Grey kaya siya napaupo sa lapag

"Ako ang harapin mo!" Sigaw ni Grey, Pinigilan ko naman siya agad

"Hindi mo kailangang ipagtanggol ako Grey" Tinignan ko si Jayden at sinenyasan kong ilayo si Grey sumunod naman ito

"Gago ka!" Sigaw ni Thiago bago pa siya makalapit kay Grey, Kumuha ako ng Bote at pinukpok ito sa ulo niya

"Boss!" Sigaw ng mga tauhan niya, Kumuha pa ako ng Bote at binasag sa lamesa at yon ang ginamit kong panangga sa mga aso ni Thiago

"Hindi ba sinabihan ko na kayo? Muka yatang hindi kayo nakikinig?" Sambit ko "Layuan niyo siya" Mahinahon kong Sabi, Lumayo naman sila kay Thiago, Binitawan ko itong hawak ko at kinuwelyuhan si Thiago habang nakahiga siya ngayon sa lapag "Sana heto na ang huling pagkikita natin Thiago dahil isang hawak mo pa sa kanila baka huling buhay mo na" Sabay sapak ko sa kanya tsaka ako tumayo, Tinignan ko naman si Grey na seryoso ang muka "Kahit isang galos sa muka nito ang ginawa mo Thiago buhay ang kapalit mo" Tumingin naman ako kay Luke, Puro pasa ang muka niya

"Finn, Dalhin natin siya sa hospital" Naiiyak na sabi ni Bella, Tumango naman ako

"H-Hindi na malayo ito sa bituka" Inirapan ko naman si Luke

Ganyan siya, Hindi mag papadala sa doctor kung malapit na siyang mamatay doon palang yan mag papa hospital

Doctor siya at alam niya kung anong sugat ang meron siya, Hindi naman masamang dalhin ang doctor sa hospital tss

"Hubby naman" Nag-aalalang sabi ni Bella, Hinawakan naman ni Luke yung muka niya at ngumiti, Dahan-Dahan naman siyang tumayo at inalalayan siya ni Bella

WHEN I REALIZED HOW MUCH I LOVE YOUWhere stories live. Discover now