CHAPTER 22

143 4 0
                                    


Day two of Intrams

FINN POV
  Maaga akong nagising dahil dance troupe nila Grey ngayon at sunod din ang laban ni Bella

Nauna nang pumasok si Bella dahil maaga silang pinapasok ni Coach Erwin

Papasok na sana ako ng kotse ng biglang may tumawag sa akin

~Calling Kade~

"Hello Kade?" Takang sagot ko

"Finn" Boses iyon ni Deigo!  "Hawak namin si Kade kung gusto mo pang makita ang pinaka mamahal mo pumunta ka sa ......."

Hindi ko na pinatapos pa siyang mag salita dahil pinatay ko ito agad at pumunta sa hide out nila Deigo

Ano na naman bang gusto mo Deigo para kang si Thiago'ng tanga

-
-
-
-

Nang makarating na ako sa Hide out nila Deigo agad akong pumasok at tumambad sa akin ang nakahigang Kade sa sahig, Nakita ko pa ang pag sipa muli ni Deigo sa kanya kaya agad ko siyang nilapitan pero agad din akong hinawakan ng dalawang lalake

"Bitawan niyo 'ko" Mahinahong sambit ko sa dalawang lalake, Humarap naman sa akin si Deigo at ngumiti

"Hindi ko akalaing pupunta ka rito ngayon ko lang napagtantong mahal mo pa pala si Kade" Nginisihan ko naman siya

Hindi ko mahal si Kade pero naging parte rin siya ng buhay ko

"Ano bang kailangan niyo bakit pati si Kade dinadamay niyo!" Sigaw ko sa kanila, Lumapit naman sa akin si Deigo

"Naalala mo 'yung gabing na sa akin 'yung apat na bata mo" Iyon yata 'yung binugbog nila ng husto si Gael  "Habang papauwi kami hinarang ako ng shota mong bulok at pinag bubugbog ako kaya tignan mo ngayon ang kamay ko" Dugtong pa niya

May benda siya sa kamay at mukang binalian siya ng buto ni Kade pero ang hindi ko alam kung bakit alam ni kade ang patungkol doon

"Hindi ko siya shota" Seryosong sabi ko

"Ay hindi ba? Bakit pinag palit ka ba niya sa iba" Sabay tawa niya, Yumukom naman ang kamao ko

"Bitawan niyo na siya" Sumunod naman ang dalawang tauhan niya

"Kung meron siyang atraso sa 'yo hindi ba dapat ang tatawagan mo 'yung shota niya at hindi ako!" Inis kong sabi sa kanya, Tinignan ko naman si Kade na hirap na hirap umupo habang hawak-hawak 'yung tiyan, Tumingin naman ako kay Deigo

"Bakit Finn hindi mo ba siya na-mi-miss? Tsaka tinawagan din namin ang shota niya pero muka yatang ikaw 'yung nauna hahahaha bakit Finn? Mahal mo pa ba siya?" Tanong niya sa akin, Napatingin ulit ako kay Kade

Mahal??? Hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya

"Finn masama 'yan, Nililigawan ka na ni Grey hindi ba? Bakit ngayon na kay Kade ka" Sinamaan ko naman siya ng tingin

Hindi ikaw ang mag didikta kung sino ba 'yung mahal ko!

"Ano ba talaga ang kailangan mo Deigo!?" Inis kong tanong

"Hindi ba sabi ko hindi pa tayo tapos" Sumenyas siya sa dalawang lalake, bago pa makalapit 'yung dalawang lalake sa akin agad kong inilabas 'yung kutsilyo ko at mabilis na itinutok sa dalawang lalake

"Wag niyo akong subukan" Seryosong sambit ko, Lumapit naman si Deigo kay Kade at kinuwelyuhan ito sabay suntok "Bitawan mo siya Deigo!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinakinggan, Sa sobrang inis ko hindi ako nag dalawang isip na hindi patayin itong dalawang tauhan niya, Hinawakan ko 'yung isa sa buhok at ginilitan sa leeg at itong isa naman ay ilang ulit kong sinaksak sa tiyan at tagiliran

WHEN I REALIZED HOW MUCH I LOVE YOUWhere stories live. Discover now