FINN POV
Nang nasa tapat na kami ng bahay"Thank you sa pag hatid" Sambit ko, Ngumiti naman siya sa akin at nag salute pa
"Welcome, Balik na ako" Tumango naman ako
Pumasok naman na ako sa loob ng bahay, Nakita ko si Luke at Bella nakaupo sa sofa habang nag kukwentuhan kaya naman umupo ako sa gitna nilang dalawa
"Nandiyan ka pala" Sambit ni Bella
Hindi niyo ako napansin dahil napaka sweet niyo tss
"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Kuya Luke
"Inaantok ako" Kumunot ang noo ni Kuya, Hinampas naman ako ni Bella kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Ikaw na ba 'yan?" Seryosong tanong niya sa akin tsaka ko siya nginitian at umiwas ng tingin "Hala!!" Sigaw ni Bella kaya agad ako nag takip ng tenga "Akala ko pa naman" Nginisihan ko siya tsaka ako niyakap ng dalawa
"Pusong mamon pa rin 'yang puso mo" Nakangiting sambit ni Kuya sa akin
"Pwede ba lumayo kayo inaantok ako" Lalo pa silang yumakap sa akin
"Sabihin mo munang kuya dali" Natutuwang sambit ni Kuya Luke sa akin
"Kuya" Seryosong tawag ko sa kanya
"With feelings naman" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Bella, Tumayo naman ako bigla at hinarap sa kanila
Nag-isip ako ng magandang ala-ala namin ni Kuya Luke bago ko siya tawaging Kuya at 'yon ang eksenang una ko siyang tinawag na kuya habang umiiyak ako
"Kuya" Naluluha kong sabi, Tumayo naman siya at niyakap ako
"Matulog ka na" Sambit niya sa akin, Tumango naman ako at umakyat na sa kwarto
JAYDEN POV
Hindi pa rin gumigising si Grey"Jayden maupo ka nga kanina ka pa lakad ng lakad diyan" Suway ni Aliyah sa akin "Nakakahilo ka kaya" Dugtong pa niya, Bumuntong hininga naman ako at naupo sa tabi niya
"Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ni Asher ito kay Grey" Napatingin naman kami kay Tita Devine na naka upo sa harapan ni Grey habang hawak-hawak ang kamay
"Wag po kayong mag-alala Tita Tinawagan ko po si Mr. Cult siya na po bahalang umalam" Sagot ni Aliyah kay Tita Devine
"Hindi ba pupunta rito sila Ate Finn?" Tinignan ko naman si blue na nakaupo sa sofa kaya nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya
"Baka busy lang sila, Hayaan mo pupuntahan ko sila Finn" Sabay himas ko sa ulo ni Blue ngumiti naman ito sa akin
Kahit malabong pumunta si Finn ita-try ko pa rin
"Jayden, Mag-usap tayo sa labas" Sambit ni Aliyah sa akin kaya naman tumango ako "Tita usap lang po kami" Ngumiti naman si Tita
"Sige" Sagot nito
-
-
-
-Nang makalabas na kami sa kwarto pumunta kami sa rooftop ni Aliyah
"Sigurado ka bang papapuntahin mo rito si Finn?" Tanong ni Aliyah sa akin
"Oo" Sagot ko "Aliyah kung sila Tita Devine hindi tumutol ikaw pa kaya? Alam kong kaibigan ka ni Grey at kaibigan ko rin si Grey" Dugtong ko pa
YOU ARE READING
WHEN I REALIZED HOW MUCH I LOVE YOU
Teen FictionI won't wrote my story description just continue reading it thanks a lot and enjoy 😘😘😘