𝙎𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙂𝙪𝙞𝙙𝙚:
•𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭
•𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦
Nabuntis ako boyfriend ko at hindi pinanagutan, dahil hindi pa raw s'ya handa para sa mga responsibilidad bilang ama ng dinadala ko. Big...
Maaga akong pumasok para agad kong masimulan ang nga naiwan kong trabaho kagabi.
Habang abala sa mga papeles na kinakaharap ko. Narinig ko naman ang tatlong katok mula sa pinto ko.
"Come in." sambit ko.
"Miss Devyn, may bisita po kayo." sabi ng temporary secretary ko na si Ms. Borja.
"Huh? Sino? Wala akong ini expect na kahit sino ngayon." tugon ko.
"S'ya po ang applicant na ni-recommend ni Ma'am Selena."
Oo nga pala, nawala sa isip ko.
"Let her in." sabi ko habang patuloy lang sa ginagawa.
"Okay Miss Dev." sagot nito.
Narinig ko nalang ang pag bukas at muling pag sara ng pinto.
"Nandito na po s'ya Miss Dev." wika ni Miss Borja.
Nag angat ako ng tingin para makita ang mukha ng ni recommend ni Mommy ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita si Lennie na nakatayo sa harap ko.
Maging s'ya ay nagulat ng makita ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Good morning po Miss Dev." bati nito.
Damn it! Sa lahat ng pwedeng maging secretary ba't sya pa mom?!
At bakit ba kasi ang ganda nya? Simple lang naman ang ayos nya pero nagiging speechless ako kapag nakikita s'ya parang gusto ko nalang kasi s'yang titigan maghapon.
"Miss Devyn?" untag sakin ni Ms. Borja.
"Oh! I-I'm sorry may naisip lang ako." pag papalusot ko, saka muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
"Ms. Borja you will take care of Ms. Javier, please teach her kung ano ang mga dapat n'yang gawin." wika ko ng hindi man lang nakatingin sa dalawa.
Baka kasi matulala nanaman ako, nakakahiya naman nandito pa si Miss Borja, kilala pa naman ako sa kompanya bilang strict, at perfectionist.
"Pero Miss Dev ang bilin nyo po sa'kin, kayo mismo ang mag i-interview at mag di-decide sa bago nyong secretary--"
"Miss Borja, sino ulit ang nag recommend sa kanya?" mataray na tanong ko.
"S-si Ma'am Selena po." kinakabahang sagot nito.
"Right! Si Mommy, since si mom ang nag recommend sa kanya kailangan ko pa bang i-interview?" taas kilay na tanong ko.
"H-hindi na po, sige po ako ng bahala sa kanya." nauutal na sagot nito.
"Good. You may go now, kailangan ko pang mag handa para sa meeting."
"Sige po." sagot ni Miss Borja.
Nakarinig ako ng mga yabag ng sapatos na papalapit sa kinaroroonan ko, at tumigil sa mismong harap ko.