𝐋𝐞𝐧𝐧𝐢𝐞 𝐉𝐚𝐧𝐞
Saglit kong iniwan ang dalawa sa kwarto para kumuha ng maliit na planggana, pag balik ko ay mukhang nakatulog na agad ang dalawa. Yun nga lang ang sarap lang talagang sabunutan ng babaeng linta, kung maka yakap naman kasi kala mo mawawala si Miss Dev kapag binitiwan n'ya.
Nang makalapit ako sa kama dahan-dahan kong kinuha ang braso ni linta na nakapulupot sa bewang ni Miss Dev at kinuha ang isang unan na nasa uluhan nito para ilagay sa pagitan ng dalawa.
Kumuha muna ako ng pamalit at face towel para sa dalawa, pagkatapos ay umupo na ko sa gilid ng kama. Inuna ko ang pagpupunas kay Miss Dev.
Sinimulan ko ng tanggalin ang pag kakabutones ng blouse na suot nito, habang abala sa pag pupunas ng mukha nito ay may biglang sumagi sa isip ko na s'ya namang ikinapula ng mukha ko.
Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nag patuloy sa ginagawa, mabilis ko itong binihisan ganun na rin si Linta.
Pasalamat s'ya kasi kahit na epal s'ya, inaasikaso ko pa rin s'ya.
Tila pagod akong naupo sa tabi ng Linta ramdam kong gusto na ring mag pahinga ng katawan ko. Kaso nga lang nag dadalawang isip ako kung iiwan ko ba ang dalawang to dito, ngunit malakas ang kutob ko na nag hihintay lang ng magandang timing tong lintang katabi ko. Kaya napag pasyahan kong dito nalang matulog, yun nga lang wala ng masyadong space sa side ni Miss Dev kaya wala akong ibang choice kundi ang tumabi kay Linta.
Subukan n'ya lang talagang galawin si Miss Dev, kakalbuhin ko talaga s'ya.
Kakahiga ko pa nga lang pero ramdam ko na ang bigat ng mga mata ko, kaya hinayaan ko na lamang ang sarili na tuluyan ng pumikit at makatulog.
*****
Sobrang inaantok pa ko at gusto ko pang ipag patuloy ang pag tulog ko pero masyado akong naiistorbo dahil sa ingay na naririnig ko na tila nag tatalo.
"Stacey! What do think you're doing?" tila galit ang boses na yun ni Miss Dev.
"W-wala po Miss Dev--"
"Panong wala yakap-yakap mo lang naman ang asawa ko?" dagdag pa nito.
Dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari nag pasya akong bumangon na para harapin ang dalawa.
"Ano bang nangyayari sa inyo?" tanong ko habang kinukusot ang mata.
"And you, ba't hindi ka sa'kin tumabi? Ba't sa kanya?" tila inis na tanong nito.
Napakunot ang noo ko dahil sa mga sinabi nito.
"Ano? Yun ba yung kinakagalit mo?" di makapaniwalang tanong ko.
"Sinong hindi? Magigising nalang akong may kayakap na iba ang asawa ko?" saad nito na ayaw pa rin paawat.
Huh?! Ano to gumagawa lang ba s'ya ng eksena? Diba nga ako ang dapat magalit?
Napatingin ako sa gawi ni Linta saglit lang nag tama ang mga mata namin dahil bigla itong umiwas ng tingin na akala mo ay may nagawang kasalanan.
"Eh ano naman? Normal lang naman yun lalo na kapag tulog wala kang kamalay malay sa mga movement na ginagawa mo." paliwanag ko. "At isa pa Miss Dev, babae s'ya kaya ba't ka ba nagagalit ng ganyan? Unless nalang kung may something sa inyong dalawa?" dagdag ko.
Napaawang ang bibig nito at tila nagulat sa sinagot ko.
"Hay! Bahala na nga kayong dalawa d'yan." wika ko saka nag madaling lumabas ng kwarto.
Nahinto ako sa pag lalakad ng pigilan ako sa braso ni Miss Dev.
"Wait." sambit nito.
Mabilis kong binawi ang braso ko.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 (𝐠𝐱𝐠) 𝘾𝙊𝙈𝙋.
Romance𝙎𝙩𝙤𝙧𝙮 𝙂𝙪𝙞𝙙𝙚: •𝐋𝐢𝐯𝐯𝐲'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 •𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 Nabuntis ako boyfriend ko at hindi pinanagutan, dahil hindi pa raw s'ya handa para sa mga responsibilidad bilang ama ng dinadala ko. Big...