𝙵𝙸𝙵𝚃𝙴𝙴𝙽

4.3K 202 7
                                    

𝐋𝐞𝐧𝐧𝐢𝐞 𝐉𝐚𝐧𝐞

Nagising ako na parang may kung sinong nakayakap sa bewang ko. Pag mulat ko ng mga mata nabungaran ko ang magandang mukha ni Miss Dev, pero bigla akong na concious dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa'kin.

Gosh! Ano bang nangyari kagabi? Ba't ang sakit ng ulo ko?

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ng braso nito sa'kin, ngunit agad rin nitong binalik at mas niyakap pa ko ng mahigpit.

Ewan ko pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko, ngunit agad ko iyong sinawalang bahala ng bigla kong maalala ang anak ko.

Sinubukan kong muling tanggalin ang braso nito, ngunit bigla itong umungol na para bang nagambala ko ang mahimbing n'yang pagtulog.

"Hmmm... bakit ba?" reklamo nito.

"Ahm Miss Dev, kailangan ko na kasing bumangon." wika ko.

Parang wala sa sariling nag mulat ito ng mata at tila gulat pa ng makita ako at ang posisyon namin. Agad itong bumangon, at napasuklay sa sariling buhok.

"P-pasenysa na, akala ko kasi unan." wika nito.

"Ganun ba ko kalambot Miss Dev?" nakangisi kong tanong.

Napakurap-kurap ito saka nag iwas ng tingin.

"Maaga pa Lennie, wag mo kong umpisahan." sambit nito saka tumayo na.

Bigla akong natigilan ng makita ang ayos nito, naka suot lang ito ng silk nighties. Kaya baka ang hubog ng katawan nito.

Ang sexy naman ng babaeng to, s'ya yung masasabi mong I woke up like this.

Kumilos na rin ako, tinggal ang kumot na nakabalot sa katawan ko saka tumayo.

"S'ya nga pala--" sambit ni Miss Dev.

Nag angat ako ng tingin ng hindi nito pinagpatuloy ang kanyang mga sinasabi. Ng tignan ko s'ya ay bahagya pang nakaawang ang mga labi nito at parang natuklaw ng ahas habang nakatingin... sa'kin???

Tinignan ko ang sarili, para akong biglang namutla ng makita ang suot ko. Silk nighties ng kagaya ng sa kanya pero mas maiksi, awtomatiko akong napatakip sa bahagi ng dibdib ko dahil walang hiya sobrang nakakahiya. Tayong-tayo yung...  

Pusang gala naman oh!

"M-mauuna na kong maligo." narinig ko pang sabi ni Miss Dev kasunod nun ay ang pag sara ng pinto ng banyo.

Teka! bakit nga ba ganito ang ayos ko?

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi, huling na aalala ko ay nasa kusina kami nina Livvy at Mama habang nag kukwentuhan at umiinom ng wine. Nasarapan ako sa iniinom ko kaya di ko napansin na nakarami na 'ko... tapos.

Oh my gosh! Kailangan kong makausap si Mama o Livvy, anong kagagahan nanaman ba ang ginawa ko?! Gosh! Sana wala akong nagawang katarantadahan.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ng banyo si Miss Dev.

"M-miss Dev..." tawag ko dito.

"I think you should practice calling me... hmm. ano bang magandang endearment?" pagkuwa'y saad nito.

"H-hon?" nakangiwi kong sagot baka kasi ayaw n'ya or nababaduyan s'ya.

"Sounds... sweet." sagot nito saka umupo sa harap ng salamin at nag blower ng kanyang buhok.

"Maiba tayo Miss Dev..."

"Yes, Hon?" saad nito na ikinagulat ko.

Ba't parang may kakaiba dito? Ako diba dapat ang nang aasar at tumutukso sa kanya pero ba't parang palaban s'ya ngayon? May kalokohan nga siguro akong ginawa?!

𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 (𝐠𝐱𝐠) 𝘾𝙊𝙈𝙋.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon