𝙿𝚁𝙾𝙻𝙾𝙶𝚄𝙴

9.3K 262 34
                                    

"Lennie, anak okay ka lang ba? Ni hindi ka man lang kumakain." tanong ng ginang sa kanyang anak.

"Okay lang po ako Ma, wala lang po akong ganang kumain." sagot ng dalaga ng di man lang makatingin sa mga mata ng kanyang ina.

"Ikaw ha? Ilang linggo ko ng napapansin na parang nag iiba ang kilos mo ngayon, lagi kang walang ganang kumain at palagi kang tamad kumilos. Anak ano bang nangyayari sa'yo huh?" nag aalalang tanong nito.

Nakaramdam ng kaba at takot ang dalaga habang tinitignan ang kanyang ina.

"Ahm ano po kasi Ma eh, ahm ano..." bigkas ng dalaga, na tila hindi malaman kung ano ang dapat sabihin sa kanyang ina.

"Ano? May sakit ka? Dapat hindi mo tinitiis yan, bukas na bukas din mag punta ka ng hospital para mag pa check up, baka mamaya kung ano na yan. Bibigyan kita ng pera mamaya pag katapos kumain."

"Ma... m-may sasabihin po sana ako sa inyo..." sa wakas ay wika niya.

"Ano yun?" kunot noong tanong ng ginang.

"Wag po sana kayong magagalit... h-hindi ko po sinasadya Ma. S-sorry po." umiiyak na wika ng dalaga.

"Anak ano bang nangyayari sayo? Ba't ka ba umiiyak?" nilapitan ng ginang ang kanyang anak para pakalmahin ito.

"M-ma.... s-sorry po talaga." humihikbi nitong sabi.

"Ano ba kasing problema anak?"

"K-kasi po b-buntis po ako Ma..."

Pakiramdam ng ginang ay para s'yang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng kanyang anak, awtomatiko s'yang napalayo rito.

"A-ano? Panong buntis ka? W-wala ka namang boyfriend ah."

"M-meron po... 1 year na po kami ni Owen." nakayukong sagot ng dalaga.

"Ano?! Di mo man lang sinabi sa'kin? Tapos ngayon mo sasabihin sa akin na may boyfriend ka pala kung kelang nabuntis kana ng lalaking yun."

"Mama... s-sorry po, hindi ko po sinasadya."

"Hindi kita pinalaki at pinag aral para sirain mo ang buhay mo isang taon na lang ga-graduate kana Lennie Jane! Ano bang pumasok sa isip mo, alam mo namang halos mag kandaugaga na ko sa pag papalaki sa inyo ng kapatid mo. Isa ka sa inaasahan kong tutulong sa akin Lennie."

"Matalino ka naman diba? Bakit di mo muna ginamit yang utak mo bago ka nag pabuntis dyan sa boyfriend mo?!"

Hindi na napigilan ng ginang ang galit na nararamdaman sa anak. Labis itong nasaktan at sumama ang loob dahil sa nalaman.

"Alam ko pong nag kamali ako, hindi ko naman po ginusto eh. Hindi ko po talaga sinasadya. Ma, sorry po..."

"Hindi mo sinasadya?! Eh ano yan huh? Naku naman Lennie! Ilang buwan ka ng buntis?!"

"D-dalawang buwan po."

"Isang taon at dalawang buwan mo na kong niloloko, halos mag kanda kuba kuba na ko sa pag tatrabaho para lang mapag aral kayo tapos ito ang isusukli mo sa'kin?"

"Patawarin nyo po ako Ma... please Ma."

"Lumayas ka sa pamamahay ko!" bulyaw ng ginang sa dalaga.

Labis ang gulat ng dalaga ng marinig yun mula sa kanyang ina, umpisa palang ay alam nya ng magagalit ang kanyang ina pero hindi nya inaakalang aabot sa puntong palalayasin sya nito.

"Ma, wag nyo naman po akong ganituhin oh, kailangan ko po kayo Ma... sorry po talaga." pag susumamo nito sa kanyang ina.

"Ginawa mo yan, ginusto mo yan pwes panindigan mo. Hindi ako sasalo ng problema mo wala akong pakialam kung mag hirap ka man, basta hindi kita tutulungan. Ipaako mo yan sa nobyo mo." galit na sambit nito.

𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 (𝐠𝐱𝐠) 𝘾𝙊𝙈𝙋.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon