𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝚂𝙸𝚇

3.9K 213 25
                                    

Wag ng mag tampo frenny! Heto na oh!

yokokurama11



𝐃𝐞𝐯𝐲𝐧

Nagising ako dahil sa liwanag na nag mumula sa labas ng balcony, inilibot ko ang paningin ngunit hindi ko makita si Lennie.

Hmmm... san kaya s'ya nag punta ng ganito ka aga?

Naligo muna ako bago nag pasyang bumaba, pag baba ko ng hagdan naabutan ko si Lola na umiinom ng tsaa habang nag babasa ng dyaryo.

"Good morning Lola, nakita n'yo po ba si Lennie?" agad kong tanong dito.

"Nag paalam na sasama kanila Jaime para mamitas ng mga prutas." sagot nito.

"Nang ganito po kaaga?" di makapaniwalang tanong ko.

"Bakit hindi, eh gusto n'yang kumain ng sariwang mga prutas." tugon nito habang patuloy na nag babasa sa dyaryo.

Naisipan kong tumabi dito, para maitanong na rin dito ang kagabi ko pa gustong itanong.

"Uhm Lola, ano po ba yung pinainom n'yong tsaa kay Lennie?"

"Para malibugan s'ya." 

Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa naging sagot nito.

"B-bakit n'yo naman po s'ya pinainom ng ganun Lola?" namumulang tanong ko.

"Bakit? Natural lang naman sa mag asawa na panagutan ng asawa n'ya ang pangangailangan ng katawan ng asawa n'ya. So ano? Ginampanan mo ba?" 

"O-opo naman, sige Lola lalabas muna ako." palusot ko para makaiwas sa mga tanong nito.

Sinubukan kong tawagan ang number ni Lennie, pero hindi ito sumasagot. Ilang beses ko ring ginawa yun pero wala.

Naisipan kong mahiga nalang muna sa duyan na nasa lilim ng mangga, ilang minuto pa ang nakalipas ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan kaya agad akong bumangon. Ngunit agad na nag init ang ulo ko ng makitang nakasakay si Lennie sa likurang bahagi ng motor at ang nag mamaneho ng nasabing sasakyan ay ang lalaking kinainisan ko kahapon.

Saglit na nag tama ang mga mata namin ni Lennie, pero agad rin itong umiwas.

Anong problema n'ya? Ako ang dapat na nag susungit hindi s'ya. Tsk!

Lumapit ako dito, binati ako ng binatang pamangkin ni Kuya Jaime na agad ko lang ring tinanguian.

Aktong lalagpasan na ko ni Lennie ngunit maagap ko itong hinawakan sa braso para pigilan.

"Hindi mo naririnig na tinatawagan kita?" casual na tanong ko dito.

"Ahm, tumatawag ka ba?" walang gana nitong sagot, at muli sana akong lalampasan pero agad ko itong pinigilan.

"Bakit? May gusto ka bang sabihin?" nakayokong tanong nito.

Hindi ako umimik, dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Gusto mo bang mag sorry? Dahil bigla kang nagalit?" wika nito.

"Eh ikaw? Gusto mo bang mag-sorry dahil ginalit mo ko ?" ganti ko dito, kaya napalingon ito sa'kin.

Tinanggal nito ang pag kakahawak ko sa braso n'ya, saka nag patuloy sa pag lalakad.

"Teka, san ka pupunta?" pigil ko rito.

Hindi ako nito pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.

Gosh! Ang hirap palang manuyo ng hindi mo alam kung ano ang dahilan.

𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 (𝐠𝐱𝐠) 𝘾𝙊𝙈𝙋.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon