𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝙵𝙾𝚄𝚁

3.7K 195 40
                                    

𝐋𝐞𝐧𝐧𝐢𝐞 𝐉𝐚𝐧𝐞

Nang makapasok kami sa loob ng mansyon ay naroon at nag hihintay sa sala ang lola ni Devyn.

"Sit down." utos nito samin na agad rin namang sinunod.

"La, she's Lennie Jane Javier my...." tila kinakabahang wika ni Devyn.

"My?" ulit ng ginang.

Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko saka ito muling hinarap.

"M-my wife." sagot nito.

"Ano?! She's your wife but how? I mean sa pag kakakilala ko sa'yo hindi naman babae ang gusto mo, don't tell me mommy mo ang may pakana nito?" biglang sumeryoso ang mukha ng matanda.

Kaya bigla akong binalot ng kaba.

"Hindi po Lola totoo yung naging kasal namin--"

"Hindi ba't kabilin bilinan ko sa inyo, wag na wag kayong mag papakasal sa taong hindi n'yo naman mahal. Ayokong maranasan n'yo ang naranasan ko noon kaya ayoko sa fix marriage na yan." galit na wika ng ginang.

"Oo Lola alam ko po yun, pero totoo nga po ang kasal namin s-s'ya ang taong mahal ko." sagot ni Devyn na ikinagulat ko.

"Kaya ko po s'ya pinakasalan Lola." dagdag pa nito na mas lalong humigpit ang pag kakahawak sa kamay ko.

"Teka h-hindi ko alam kung ano ang dapat kung isipin, nagugulat ako sa mga pinag sasabi mo sa'king bata ka."

"Lennie, batiin mo ang lola ko." utos sakin nito.

"A-ahh... Magandang araw po sa inyo." bati ko sa ginang kahit na sobrang kinakabahan ako.

Mataman akong tinitigan ng ginang saka muling ibinalik ang tingin kay Devyn.

"Apo, ibig sabihin na inlove ka sa kapwa mo babae? Parang ayoko namang maniwala n'yan. Gusto kong ipaliwanag mo sa'kin ng detalyado kung paano ka na inlove sa kanya, wag mo ng isama na maganda s'ya dahil halata naman."

"Lola ayoko nakakahiya, s-saka na po kapag tayong dalawa nalang." nahihiyang sagot nito.

"Hija ano ulit ang pangalan mo?" baling nito sa'kin.

"L-Lennie Jane Javier po." sagot ko.

"Jane, tell me... mahal mo ba talaga ang apo ko?"

Hindi ako nakasagot agad pasimple kong tinignan si Devyn, at base sa facial expression nito gusto nitong sumang-ayon ako.

"Opo, mahal na mahal ko po s'ya." tanging sagot ko.

"Just call me Lola, pero hindi ibig sabihin nun napaniwala n'yo ko. Hindi pa ko kumbinsido gusto ko makita yun ng mga mata ko, okay? Sige mag pahinga na muna kayo sa taas, one more thing Apo gusto kong mag stay kayo sa dati mong kwarto... wala akong ginalaw na kahit ano dun ganun pa rin ang ayos nun, sa madaling salita single bed pa rin ang gagamitin n'yo."

Ano single bed? Tapos mag sisiksikan kaming dalawa dun?

"W-walang problema Lola." sagot ni Devyn.

"How 'bout you Jane, okay lang ba sa'yo yun? Siguro naman may nangyayari na sa inyo since mag asawa na kayo hindi ba?" tanong ng ginang habang nakangiti pero iba ang ngiting yun tila nakakaloko.

Gosh! Mukhang inoobserbahan talaga kami ng Lola ni Devyn ah.

"Opo okay lang, sanay naman kaming yakap ang isa't isa." sagot ko kahit na ang totoo ay napapangiwi na ko sa magiging output namin.

*****

"Haaaay grabe ang Lola mo no, nakakatakot." saad ko ng makapasok na kami sa silid ni Devyn.

"I'm telling you hangga't nandito tayo, oobserbahan n'ya tayo. Kaya galingan mo ang pagiging asawa ko okay?" nakangisi nitong sabi.

𝐅𝐚𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐧 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐠𝐥𝐞 𝐌𝐨𝐦 (𝐠𝐱𝐠) 𝘾𝙊𝙈𝙋.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon