Chapter 14: Dinner Treat

9.2K 383 102
                                    

Nueves' POV

"Mica—" tawag ko sa kanya.

"What?" Halata sa tono n'ya ang inis. I am annoyed too. Nakakainis ang biglang paghawak ng lalaking 'yon sa'kin pero parang ewan naman 'tong si Mica. Hila nang hila. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Pati ang kapatid ko ay hawak hawak n'ya pa.

"Pwede mo ng bitawan yung kamay ko." Tumingin pa ako sa kamay naming dalawa. She's holding my wrist. Not too tight but not too loose.

She also looked at our hands.

"Ayoko." She said and walked again.

"Mica, pagod na yung kapatid ko kakalakad!" I exclaimed dahil panay na ang hila nito. Pati tuloy sa kanya ay naiinis na ako.

Isa pa, I can't explain the feeling of her hands holding mine. It feels new, it feels weird na parang habang tumatagal ay nagugustuhan ko na kaya gusto ko ng kalasin 'yon.

Doon ay huminto s'ya, yumuko s'ya para lumebel kay Persia pero hindi n'ya parin binibitawan ang kamay ko.

"Are you tired, babygirl?" Tanong nito kay Persia.

"Opo," sagot ng kapatid ko saka nagpout. Biglang binitawan ni Mica ang kamay ko and I kinda feel disappointed...

Nagsquad ito patalikod kay Persia. "Ate will carry you." Malumanay na wika nito.

"Mica, 'wag na," pigil ko agad sa kanya. "Ako nalang papasan sa kanya." Presinta ko pa.

"Sakay na, Persia. Mahihirapan ang ate mo kung sa kanya ka sasakay." Kalmadong turan parin nito. Tumingin muna sa'kin si Persia saka kumapit sa likod ni Mica. Agad namang tumayo si Mica pasan-pasan si Persia sa likod n'ya.

"Saan mo ba kami dadalhin?" Tanong ko kay Mica.

"Sa hotel, let's have our dinner saka ko kayo ihahatid kung saan kayo nags-stay." Wika nito.

Ang sosyal talaga. Kakain lang sa hotel pa. Pero ano kayang ginagawa niya rito? Grabeng coincidence naman 'to.

"Sige na, mauna ka ng maglakad." Sabi ko saka hinintay na maglakad s'ya pero imbes ay nilahad n'ya ang kamay n'ya sa harap ko. "Oh? Pang ambag? Mamaya na—"

She rolled her eyes before saying; "Your hand." sabi n'ya.

Tumingin ako sa kamay ko. "What about my hand?" Inosenteng tanong ko. Ano bang nangyayari rito? Tanga ba ako o magulo lang s'ya?

"Give me your hand." She demanded. Pati si Persia ay naguguluhan na sa pinagsasabi at pinaggagawa ni Mica. Nagsasalitan ang tingin nito sa'ming dalawa.

"'Pag binigay ko sa'yo edi wala na 'kong kamay?" Pamimilosopo ko. Namumula na ang mukha n'ya. Hindi ko alam kung dahil sa bigat ni Persia o dahil sa inis.

"Fu—fudge." Hindi n'ya tinuloy ang pagmumura dahil sinamaan ko agad s'ya ng tingin. Baka marinig s'ya ni Persia at gayahin pa.

Bigla nalang nitong hinablot ang kamay ko saka naglakad, hila-hila nanaman ako.

Nagpatianod nalang ako dahil parang nanlalambot ang buong katawan ko. Kung kanina kasi ay nasa wrist ang hawak n'ya, ngayon ay nasa palad na. Kulang nalang ay mag-intertwine na ang kamay namin. I can almost feel her soft palm.

Nang makalayo kami sa pampang ay isang matayog na hotel ang natanaw ko. Mula sa labas ay napakaelegante nitong tignan, paano pa kaya sa loob?

Hindi na nagmamadaling maglakad ngayon si Mica. Ang bagal na nga, para kaming naglalakad sa buwan and when I looked at our hands, magkasiklop na ang mga ito. My cheeks are burning.

𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon