Chapter 17: The Next Day

8.2K 353 96
                                    

Mica's POV

"It's me, hi, I'm the problem, it's me." kanina pa paulit-ulit ang pagkanta ni Niks. Kanina pa rin n'ya ako kinukulit na magkwento kung bakit daw ako biglang pumunta sa party kagabi.

"Niks, can you shut up for a minute? Naririndi na ako." pagsusungit ko sa kanya. Ang aga-aga kasi ay nandito nanaman sa bahay para manggulo.

And for the record, ngayon lang ako late bumangon. Hindi ko naman ugaling magmukmok pero heto ako ngayon at tinatamad sa mga bagay-bagay. I just can't find the energy to do anything.

"Umamin ka na kasi." pangungulit n'ya nanaman. Humiga na ito sa kama ko at yumakap pa sa'kin na parang tanga. Niks is the oldest among us four but she's childish at times.

"Umamin na ako." sagot ko. Naupo ako sa kama at tumingin sa bintana.

"Weh?" Agad din s'yang tumayo. Humawak ito sa balikat ko at niyugyog ako nang paulit-ulit. "Totoo? E bakit gano'n nangyari kagabi? True ba?"

"Umamin ako sa sarili ko." I answered lazily.

Biglang nawala ang excitement sa mukha ni Niks.

"Well, atleast inamin mo na sa sarili mo." Tumango-tango pa ito na parang kausap ang sarili. "Next step, aminin kay Nueves."

"No way!" pigil ko agad. There's no way I'm going to confess. Ayaw na niya sa'kin. She'll just reject me and I surely can't handle that.

"Para kang gago, Mica. Halata namang gusto ka rin ni Nueves e. Anong kinatatakot mo ha?" Tumayo si Niks at nagpamewang sa harap ko.

"That's it. She doesn't like me anymore, Nixen." I said.

"Anymore? She doesn't like you anymore, so she liked you before, gano'n ba?" Tumango ako. "Tanga ka pala e, noong gusto ka n'ya tinulak mo s'ya palayo, is that the reason why she's crying that night on Nueva Ecija?" Tumango lang ulit ako.

"Oo na, Niks. I'm stupid for pushing her away and now I'm the one who's crawling back to her but it's too late already. Ayaw na niya sa'kin." mapait na saad ko.

"Get up there, Mica." utos n'ya. She pulled the comforter from my body.

"Ayoko nga, Niks!" Parang batang maktol ko. Pero hindi nagpatinag si Niks, pati ako ay hinila n'ya patayo.

"Babangon ka o hahayaan mo si Nueves na mapunta sa iba?" tanong n'ya na nagpahinto sa'kin. "Can you imagine Nueves being with a guy, sharing sweet smiles together? And then Nueves will bring her boyfriend when we have a barkada gala and you'll witness how lovely they are as a couple and then—"

"Fuck you, Nixen." I said firmly. Kusa na akong bumangon sa kama. Ngiting tagumpay naman ngayon si Niks.

"Go, take a shower!" Pinagtulakan pa ako nito papasok sa banyo. Wala na akong nagawa kundi gawin ang utos n'ya.

Nagugutom na rin ako. Sinabihan ko kanina si manang na wala akong gana at siguradong makakarating kay mommy na hindi ako nag-almusal.

While taking a shower, I'm thinking of what happened last night. Gusto parin ba ako ni Nueves like Niks said? Because last night, she removed my hand on her arm. Habang hinayaan n'ya lang yung lalaking hawakan s'ya. Doon ako nasaktan. I felt like she's choosing that guy over me.

But yeah, I should give it a try. Mabuti na yung magsisi akong umamin ako kaysa habang buhay akong magsisi na wala akong ginawa.

Galing lang din ako sa rejection last month and it kinda scares me to do this again. Nakakatakot lang mareject ulit. But for Nueves, I will face this fear.

After taking a shower, lumabas ako ng banyo nang nakatapis pa. I found Niks infront of my huge cabinet. Mukhang s'ya ang pipili ng susuotin ko. Should I trust Nixen? I don't really trust her when it comes to this thing but she's all I got.

𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon