Chapter 23: KTV Bar

8K 329 91
                                    

[A/N: Five days akong walang pasok kaya magiging madalas ang update in 5 days : ))]

Nueves' POV

"So anong mayroon at bakit nagpainom si Micaela?" Natawa agad ako sa tanong ni Niks. Hindi nga Micaela ang buong pangalan ni Mica e.

Nandito kami sa isang KTV bar. Mica rented a VIP room for us. Halos kumpleto ang barkada nila ngayon. Ang nawawala lang ay si Saji. Madalas na rin talaga s'yang hindi sumasama sa mga night outs.

May mga alak din sa table at pulutan. Si Persia ay nakitulog ulit sa kaibigan n'ya kaya nakaalis ako ngayong gabi.

"I just want to introduce my girlfriend," tumingin si Mica sa akin kaya nagtinginan din sa akin ang lahat ng kaibigan namin. Mica held my hand and kisses it infront of our friends.

"Hoy?!" Si Carol ang unang nagreact.

"You look cute together." Miss Harm said and smiled.

"That's fast.." Miss Avi remarked.

"Ikaw ba naman ipabillboard." Wika ni Niks. Nagtawanan lahat pwera sa akin. Nakakahiya kaya yung ginawa ni Mica. They probably saw the billboard too.

"Congrats sa inyo! Si Niks nalang ang single sa'tin!" Pang-aasar ni Khey kay Niks.

"Di mo sure, Khey." Ngisi ni Niks. Gulat na bumaling ang lahat sa kanya. "Joke lang! Taenang mga reaction 'yan." Nagtawanan muli ang lahat.

"Mica, ha, kaibigan ko 'yan." Biro ni Sky pero may halong pagbabanta.

"I know, Sky." Mica said and smiled. "I won't hurt this woman." Tumingin ulit sa'kin si Mica at ngumiti.

"Tahimik mo, Free." Puna ni Niks. Oo nga, hindi ito nagsasalita pero nakangiti namang pinagmamasdan kami.

"I'm just happy for Mica." Nakangiting sagot ni Free.

"Ahh, akala ko nag-iisip ka kung gusto mong bumili ng bagong lipstick." Wika ni Niks saka tumawa nang malakas. Napuno ng malalakas na tawanan ang buong KTV room. Ako, si Khey, at si Sky lang ang naguguluhan.

Hindi ko gets. Joke ba 'yon? I looked at Mica who's also laughing. Natigil s'ya nang mapansin ang reaction ko.

"It's an inside joke. Don't mind them." Saad nito kaya ipinagkibit balikat ko nalang.

"Let's have a toast for our new couple!" Tinaas ni Niks ang shot glass n'ya.

"Eyy!" Nagtoast kami saka sabay-sabay na ininom ang shot glass namin.

"Kanta ko 'yan!" Sigaw ni Niks nang magregister ang All Too Well (10 minutes version) by Taylor Swift sa karaoke.

Nagsimulang kumanta si Niks. Wow. Maganda rin pala ang boses ni Niks. Ang lamig. Pansin kong halos silang magkakaibigan ay magagaling kumanta.

"Mukhang nakakarelate nang sobra si Niks sa kanta." Puna ko habang pinapanood si Niks na puno ng emosyon sa pagkanta.

"Soul's fault." Mica said. Magkatabi kami sa sofa. Mica's arm is on the back of my chair. Para s'yang nakaakbay sa'kin.

"Who's Soul?" Tanong ko.

"Her ex." Sagot ni Mica.

"Oh." Napa-o nalang din ang bibig ko at hindi na muli pang nagtanong. Hindi masyadong pinag-uusapan 'yon kapag magkakasama kami. Baka recently lang nangyari yung break up nila and Niks is still on the process of moving on.

"Well, maybe we got lost in translation
Maybe I asked for too much
But maybe this thing was a masterpiece
'Til you tore it all up
Running scared, I was there
I remember it all too well.."

𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon