Chapter 20: Her Other Side

9.2K 352 65
                                    

Nueves' POV

Ang cute ni Mica nakakainis!

Parang hindi ko na kayang panindigan ang pagigingg kunyaring cold ko sa kanya. Nagpresinta s'yang maghugas ng pinggan kahit hindi n'ya pa nasubukan? Hays!

Nasa harapan ako ng cabinet ko at naghahanap ng pwede kong ipasuot sa kanya. Mukhang basahan itong mga pambahay ko kaya kumuha nalang ako ng branded na shorts at tshirt. Ganito yung mga pambahay n'ya noong nasa Nueva Ecija kami. Samantalang pang-alis ko na ang mga ito.

Bumalik ako sa living room. She's still sitting there casually pero agad itong tumayo nang makita ako.

"Here. If you want to take a shower, that's the comfort room." Tinuro ko ang pintuan. "And here's a towel. It's unused, don't worry." Assure ko sa kanya.

"Thank you, Nueves." Sagot n'ya. "I'll take a quick shower." She said and walked to the comfort room.

Naupo ako sa sofa. Parang nagi-guilty pa ako ngayon sa pinaggagawa ko. Bakit ko nga ba s'ya sinusungitan?

Nagconfess na nga. Kinausap pa ako para linawing malinis ang intensyon n'ya. Higit sa lahat ay pinabillboard pa ako. Ugh. That billboard thingy. Hindi ko alam ang mararamdaman ko tungkol do'n. But at the back of my head, hindi ko maiwasang magmalaki. The girl I like made something big, as in big, and it touched my heart.

Pumasok muna ako sa kwarto ko habang naliligo pa si Mica sa banyo. Dito ko s'ya patutulugin, sa kwarto ako nila mama matutulog.

Pinalitan ko ang bedsheet ko, pati ang sapin ng unan at kumot. Laging sinasabi ng mga kaibigan n'ya na maarte raw si Mica sa mga ganito. Well, she was born with a golden spoon in her mouth. She has the right to demand.

Bukas naman ang pinto but I heard a knock. Humarap ako rito. Mica, the towel is on her shoulder. Wet hair and a bit messy. I gulped.

"Uhm, do you have a spare toothbrush?" Her voice sounds hesitant. Oh, nakalimutan ko s'yang bigyan. "But if you don't, I think I can buy outside. May nalagpasan ako kaninang store."

"I have a spare toothbrush." Wika ko bago pa s'ya umalis. Kinuha ko lang saglit sa cabinet ko. "Here."

"Thanks." Naglakad ulit ito paalis. Sumunod ako sa kanya. "Gagamitin mo ang banyo? Mauna ka na." Gumilid s'ya para bigyan ako ng daan.

"Magsisipilyo lang din ako. Sabay na tayo para makatulog na rin." Anyaya ko sa kanya.

Pumasok na ako sa banyo. Naglagay ako ng toothpaste sa toothbrush ko. Nilapit ko sa kanya para lagyan din ang bagong toothbrush n'ya. Bago n'ya nilapit ay hinugasan n'ya muna sa sink.

I started brushing my teeth. She did the same. Patapos na ako kaya bubuksan ko sana ang gripo para magmumog nang sabay kaming humawak. Bumitaw naman agad s'ya.

Nauna akong matapos magsipilyo kaya nauna na rin akong lumabas ng banyo. Habang tumatagal ay parang sumisikip ang space doon kaya minabuti kong bilisan na.

Pumasok ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang electricfan ay tinapat sa kama. Makakatulog naman siguro s'ya kahit electricfan lang. Isa pa, makulimlim ngayon at mukhang uulan pa. Hindi na gaanong mainit.

When she get outside the comfort room, she walked towards my direction.

"The room is set. Pwede ka ng matulog." I said. Tumalikod na ako para makapunta na sana sa kabilang kwarto nang hawakan n'ya ang palapulsuhan ko.

She caressed my wrist using her time. Libo-libong boltahe ng elektrisidad ang dumaloy sa katawan ko. Pigil hininga akong humarap sa kanya.

"Did I do something wrong?" masuyong tanong n'ya.

𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon