Mica's POV
"Kaya pa, Mica?" ngisi sa'kin ni Niks. I just ignored her.
Tumingin ako sa baso kong may lamang alak. I circled my fingertip on the glass with alcohol.
"'Wag mo na ngang asarin, Niks." saway naman ni Carol kay Niks. "Ayos ka lang, Mica? I thought you called us for a celebration?" Pagha-hype naman nito sa'kin.
"Of course, it's for my girl's success!" tinaas ko ang baso ko saka ininom ang natitirang laman.
"It's normal to miss your girlfriend." saad ni Khey habang naglalaro sila ni Miss Harm ng billiards.
Nandito sila sa bahay. Yeah, I invited them for a celebration. Sabay-sabay naming pinanood ang first run away modeling ni Nueves, it was aired on the TV.
My girl did a great job. She was gorgeous and I am very proud. Sana nandoon ako to cheer her up. Actually, I planned to go there, to support her kaso nagkaproblema sa business, dad needs me kaya hindi ako nakatuloy.
"Yeah, ako nga miss ko agad si Carol kahit isang araw lang kami 'di magkita." Sky boldly said.
"Yuck!" Of course, Niks butted in. Kunyari'y nandidiri pa ito na animo masusuka pa.
"Why don't you call her instead? Tapos naman na yung event, just try," Free encourages me to call Nueves.
"Oo nga! So we can congratulate her!" Sang-ayon ni Carol.
"Fine, fine," wika ko. Kinuha ko ang cellphone ko and dialed her number. I clicked the videocall because I really miss her and I wanna see her. Ilang araw s'yang naging sobrang busy para sa preparation ng event.
Sa unang try ay hindi n'ya sinasagot.
"Baka busy," saad agad ni Carol. I tried it again pero hindi parin sinasagot. "Mamaya mo nalang siguro tawagan?"
Pero makulit din ako so I tried once more. Kapag hindi pa sinagot 'to ay bukas nalang talaga ako tatawag ulit.
My face brighten when she answered my call. I faced my phone with a bright smile na agad ding nawala nang makita kung sino ang nasa screen.
"Oh, hi! Hi! Ahh.. who is this?" tanong ng isang lalaki. With a very strong accent. French accent. Hindi lang 'yon, maingay din sa background, parang nasa bar?
Nag-angat ako ng tingin sa mga kaibigan. Pare-pareho lang kami ng reaction. Confused.
"Who are you? And why are you holding my girlfriend's cellphone?" Tanong ko. I made sure to put emphasis on the word girlfriend to make sure this man isn't playing games with me.
"Easy, Mica," bulong sa'kin ni Niks.
"Ahh, Nueves girlfriend," tumatango-tangong wika ng lalaki. He's not doing anything but he's making my blood boil. "Your girlfriend, comfort room," sagot nito.
Pissed. That's what I'm feeling. Bakit mo sasagutin yung tawag na hindi naman para sa'yo?
"Gustav, is that my phone?" Those angelic voice. Ilang sandali pa ay mukha na ng girlfriend ko ang nasa screen, finally. "Baby!" masiglang bati n'ya.
"Woah, baby!" Nakarinig kami ng mapang-asar na sigawan sa kabilang linya.
Nueves is walking, hanggang sa humina nang humina ang ingay sa linya n'ya.
"Lumabas lang ako, ang ingay sa loob." she said while smiling.
"Hello, Nueves!" bati ng mga kaibigan namin saka nagpakita sa screen.
"Ey! Nandyan kayong lahat? Hello! Uy Carol! I missed you!" Nasasapawan na nila ang mukha ko kaya binigay ko muna sa kanila yung cellphone ko.
"Miss ka na ni Mica! Parang mababaliw na!"
![](https://img.wattpad.com/cover/324930946-288-k406978.jpg)
BINABASA MO ANG
𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]
RomanceMizzelle Carmilla Velasco - She is rich, privileged, and contented with her life. She's friends with benefits to a girl that she treated badly but she'll soon realize that she's falling for that girl. Nueves Cervantes - A young girl with dreams. He...