Mica's POV
Nang makarating kami sa bahay, binuhat ko si Nueves paakyat dahil mahimbing na ang tulog nito. I placed her on my bed and covered her body with blanket.
I sat on the edge of the bed. Watching my girl's sleeping face is relaxing. I kissed her forehead once more before leaving my room.
Naglakad ako palabas ng kwarto. Mabuti nalang wala si mommy—
"Mica!" Nagitla ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si mama pagkabukas ko ng pinto. Agad ko itong sinara. Baka magising si Nueves.
"Po?" Inosenteng tanong ko. I know what she's up to. She probably saw me carrying Nueves.
"Nag-uwi ka ng babae?!" Malakas parin ang boses na tanong ni mommy.
"She's my girlfriend, my." Sagot ko naman. Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"She's your girlfriend and you didn't even introduce her to me?!" Mommy asked with her loud voice again.
"'Cause she's asleep, my. We can do that tomorrow, okay?" I assured her.
Akala ko pa naman wala si mommy rito. Ang kulit kasi. May plano naman akong ipakilala si Nueves sa kanila ni dad, hindi lang sana ngayon.
"I can't believe you, Mica. Your manners, hmm?" Finally, her voice lowered down.
"Yes, my. I'll introduce her tomorrow." pag-assure ko ulit kay mommy. She's like a kid who nags her mom.
"Okay, then. Matulog ka na—sa ibang room." Dugtong ni mommy nang akmang babalik ako sa room ko.
"What?" Hindi makapaniwalang usad ko naman. She wants me to sleep in separate room with Nueves? As if we haven't did the thing. "Ano kami, my, bata?" Natatawang tanong ko kay mommy.
"I thought you're conservative?" Tinaasan ulit ako ng kilay ni mommy.
"Mommy!" I complained. Bigla namang tumawa si mommy. Ang lakas mang asar.
"I'm just kidding. Hindi ka naman makakabuntis so that's fine." Wika ni mommy saka umalis sa harap ko.
Laglag ang panga kong pinanood s'yang maglakad. Parang ewan si mommy. Kapag usapang business sobrang seryoso but when it comes to me, lakas niyang magbiro.
Bumalik nalang ako sa kwarto. Nakalimutan ko na kung anong dapat kong gawin sa baba.
Pagpasok ko ay nakita kong mulat na ang mata ni Nueves.
"You're awake," wika ko habang naglalakad palapit sa kama.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong niya, mapungay parin ang mata at garalgal na ang boses.
"Matutulog na rin ako." Nakangiting sagot ko. Naupo ako sa gilid ng kama.
"Ayaw mo akong tabihan.. kasi hindi ako nagshower?" Inaantok na tanong niya. I can't help but to smile. "I'll go shower.." she said and was about to get up nang marahan ko s'yang tinulak pahiga.
"No, love.. matutulog na tayo." Masuyong wika ko at tumabi sa kanya pahiga.
I'll admit na maselan talaga ako sa gano'ng bagay but when it comes to Nueves, I don't feel the urge na mandiri o ano.
Kinumutan ko rin ang kalahati ng katawan ko kagaya sa kanya. Tumagilid ako para humarap sa kanya nang nakangiti. She looked at me softly.
I put my hand on her waist and pulled her closer to me. Her body contacts with mine. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso niya, sing bilis ng akin.
Nilapit ko ang mukha sa kanya and kisses the tip of her nose. "Matulog na tayo." I said softly.
"Hmm goodnight." Malamlam ang boses niya. Halos pumikit na ang mga mata n'ya but she keeps on opening it.
BINABASA MO ANG
𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]
RomanceMizzelle Carmilla Velasco - She is rich, privileged, and contented with her life. She's friends with benefits to a girl that she treated badly but she'll soon realize that she's falling for that girl. Nueves Cervantes - A young girl with dreams. He...