Perfect Two <3 [Payphone Part 2]

109 4 3
                                    

A/N: Naalala mo yung “Payphone” na One-Shot ko for yoooou? O eto, may part 2. ;) At siyempre, dahil birthday mo, kaya naisipan ko 'to. Hihihi. Sana may effect pa rin kahit rush work 'to *crossed fingers* HAPPY BIRTHDAY ATE ALETTE! :"> Lab yuuuuu :** <3

“Aling Chenes! Na-miss kita!” Sabay yakap ko kay Aling Chenes.

“Aba, Alette! Dalawang taon na rin ang nakalipas. Kamusta ka na? Kayo ni Miko?” At oo! Kami pa rin ni Mikko. :3

“Ayos lang naman po! Ayun. Masaya rin sa pagiging guro niya.”

“E, kamusta ang Amerika?” Pumunta rin pala ako ng Amerika. Two years din. At nami – miss ko na ang Mikolabs ko. Siyempre pati na rin ang pamilya ko.

“Ayun. Nakakapagod po pero masaya ang dalawang taong pag – aaral ko ulit dun. Tiyak na madami na ko’ng maibabahagi sa mga estudyante ko. O sige na, Aling Chenes. Ikaw talaga ang una ko’ng pinuntahan dahil ito ang pinakamalapit. Uuwi ho muna ako. Salamat Aling Chenes! Babalik ho ako rito!” Sabay kaway paalis kay Aling Chenes.

Eksayted na ko’ng makita ang Miko ko. Ayyy. Puro Skype lang kami. Eee nakakasawa. Gusto ko totohanan ko na siyang makausap at makayakap.

Malandi ka, Alette.

Abaaaaa! Lakas ng loob magsalita ng konsensiya na ‘to. Hoy! Parte ka ng sarili ko kaya malandi ka rin!

In your dreams-

Nako. Ayoko nga makipagtalo sa sarili ko. Baka mabuang na ko. :D

“Miko? Miko? Yuhooooo~” Ba’t ang dilim dito?

*tuuut tut tut tut

Sabay pindot ko ng password sa may pinto.

*accepted

Ang taray. Anniversary pa rin namin ang password nito. :))))

Teka, ba’t ang dilim? E walang pasok ngayon ah?

“Miko? Andiyan ka ba?” Dapat pala pinaalam ko kay Miko na babalik na ko. Baka umalis ‘yon. Balak ko pa naman sanang I – surprise siya. :/

Umupo muna ako sa sofa at binuksan ang tv. Kinuha ko ang cellphone ko. Wala siyang text o tawag. Wala. As in. Blangko.

*dingdong *dingdong

Wait! Baka siya na ‘yun?!

“Ate!!!” Wait? Bebe Colee?!

Tumakbo ako palabas ng gate. Nakita ko si Bebe Colee ko. Kasama si Miko at si inay.

“Bebe Coleeeeeeeee!” At sabay pagyakap ko sa’kanya. Grabe. Na – miss ko ang kapatid ko’ng ‘to!

“Inaaaaaay!” At yumakap naman ako kay Inay. Isa rin ‘to. Na – miss ko rin.

Tapos nun. Tumingin lang ako kay Miko.

“Uuuuy! Ayaw pa yakapin ni Ate si Kuya Miko!” Ay echuserah talaga to’ng kapatid ko o. Hahaha!

“Tama si Colee. Di mo ba yayakapin ang boyfriend mo? Di mo ba ko na – miss?” Sabay pout niya.

Ngumiti naman ako sa’kanya at lumapit para yakapin siya. Nang mahigpit. :3

“Sus! Ikaw pa. Siyempre, mami – miss kita. Sobra – sobra pa nga e.” At niyakap niya rin ako. Nang mahigpit. :3

“Uuuuuuy! Ang landi ng ate kooooo.” Aba to’ng batang ‘to! Hahahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One Shots Stories ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon