Jump Then Fall

689 17 13
                                    

Ako si Samantha Jane Gonzales. 2nd year college. Taking up BS Accountancy. Kilala ako bilang seryoso, unfriendly at nerd na tao. I graduated valedictorian nung highschool at scholar ako sa school na kinabibilangan ko ngayon.

Pero, di naman talaga ako unfriendly eh. Nag-iisa lang talaga ang taong pinagkakatiwalaan, minamahal at kaibigan ko. Siya si Joshua Jimenez. Ang best friend ko since namulat ako sa mundong ito. Oo, ganun na katagal. Once kasi ng may naging friend ako, trinaydor lang ako. Kaya I promised myself na Joshua will be my one and only best friend.

Pero, di rin siguro maiiwasan na mabago ang nararamdaman ko. OO, inlove ako sa nag-iisang best friend ko.

Yun nga lang, di niya alam yung nararamdaman ko. Natatakot kasi ako. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko, layuan niya ko. Ireject niya ko. Iwasan niya ko. Ayoko'ng mangyari yun. Ayoko talaga.

~ ~ ~

Hinihintay ko ngayon si Joshua. Sabay kaming pupunta ng school. Parehas din kami ng kinukuhang course at same block din. Ayaw namin maghiwalay no?

"SamSam ko?" Tawag niya sa habang papasok ng bahay namin. Ganyan na yan. Papasok na lang bigla. Siyempre, kilala na siya ng lahat dito. 

"I'm here Josh." Habang nakasmile ako'ng humarap na nagsusuklay pa ng buhok.

"Nagsusuklay ka pa lang?" 

"Obvious naman di'ba?" Sabay tawa naming dalawa.

"Sila tita at tito? Umalis na?" Mga magulang ko yung sinasabi niya.

"Yup. As always naman. Di ka na nasanay." 

"Paano na lang kaya kung wala ako? Alone ka talaga. Forever alone." Wala din kasi ako'ng kapatid. Parents ko naman. Laging wala sa bahay dahil sa work. Kaya puro si Yaya o kaya si Josh lang ang kasama ko sa bahay.

"Oo na. Alone na kung alone." 

"Bakit kasi di ka magdagdag ng kaibigan?" 

"Bakit pa? Andyan ka naman eh." Sabay wink sakanya.

"Eh. Paano na lang kung wala'ng JOSH ngayon."

"Edi wala ding SAMANTHA ngayon."

"Samsam, di lahat ng oras andito ako. You need a friend."

"Joshie, simula nung ginawa sa'aking pantatraydor ni Jana, ayoko ng magtiwala pa sa iba. Okay? Halika na. Alis na tayo." Sabay kuha ko sa bag ko at labas naming dalawa.

Ano kaya ibig sabihin niya dun? Ayaw na ba niya ko maging best friend? Sawa na ba siya sa'akin?

JOSH POV

Kasabay ko nanaman ang minamahal ko'ng bestfriend. Naglalakad lang kami papuntang school dahil walking distance lang naman ito mula sa bahay nila Sam.

At this time, kinukulit ko na siya na magkaroon ng friend. Maging friendly ba. Ewan ko ba dito kay Sam. Simula nung kay Jana. Di na siya nagtiwala sa iba. Naging serious type at unfriendly siya. Pero di ko naman maiwan si Sam. Mahal ko siya.

Oo, Mahal ko ang bestfriend ko. Ewan ko pero, di ko masabi sakanya. baka kasi sagutin lang niya ko na BESTFRIEND lang ang turing niya sa'akin. Ayoko naman. Kaya mas mabuting bestfriend na lang. Mas nakakasama ko siya. Mas naaalagaan ko siya.

Pero, tama ba'ng ilihim ko sakanya yung nararamdaman ko? Hay. Ang hirap.

Wala yung prof namin sa first class namin. Kaya napagpasyahan namin ni Sam na mag-aral para sa exam namin sa next subject. Pero nabobored naman ako dahil alam na namin pareho yung mga dapat gawin dun. Ewan ko ba kay Samsam kung bakit ang tyaga niya mag-review. Kaya di bumabagsak eh. :)))

My One Shots Stories ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon