How Do I Breathe?

366 9 4
                                    

Ako si Chezkah. Maganda, matalino, mabait, makulit at funny kasama. Pero maldita din ako. Maldita ako sa mga taong di totoo. Tapang ko eh. Natuto na kasi ako sa mga naranasan ko'ng pangyayari sa buhay ko.

Gaya ng ibang babae, inlove din ako. OO, INLOVE AKO. Kahit na ilang beses na ko'ng iniwan at niloko. I still fall in love. Di naman natatapos ang buhay natin sa mga pang-iiwan ng mga taong walang kwenta eh. We should continue living without them lang. 

Again, inlove ako. Inlove ako kay Renz, ang basketball player ng buhay ko, ay este! Ng school namin. Kumbaga, siya na ang MVP sa'amin. Gwapo si Renz, (at bagay kami!) mabait, maputi, singkit..... GAAAH~ Everytime na dinedescribe ko siya, kinikilig ako. Everytime na iniimagine ko mukha niya, napapangiti ako. Landi much? Hindi naman, inlove lang. :)

Dumating yung time na nakilala na ko ni Renz. Paano? Classmate, seatmate at groupmate ko lang naman siya nung third year high school ako. ::) At isa pa. Siya ang escort at muse sa klase namin. Hmm. Yeaaaah. More liked it. At dahil dito, naging close ko si Renz. Naging close ko ang taong pinapangarap ko. :D Akala ko magiging pangarap ko na lamang ang isang Renz Ong. :">

Kinikilig ako tuwing magkasama kami. Kinikilig ako kapag dinededicate niya sa'akin yung mga pag-shoot niya kapag nagpa-practice sila ng basketball. OO, andun ako para manuod. Pinapapunta niya kasi ako eh. Saka, minsan lang yun. Kaya kailangan i-grab na! :D Kinikilig ako kapag ngumingti siya. Minsan nga, inaakbayan niya ko tuwing ipapakilala niya ko sa mga kakilala niya eh. But, pinapakilala niya ko as FRIEND, not Girlfriend. :D

Sa tingin ko, mahal ko na siya. Mahal na ng isang Chezkah Lua ang isang Renz Ong. :)

Minsan nga, napapa-assume na ko eh. Gusto rin kaya ako ni Renz? Oo, alam ko. Masama mag-assume. Baka masaktan lang ako or what-so-ever will happen. Eh, feeling ko talaga eh. Kayo kaya dito sa kalagayan ko. Nang mag-assume din kayo. -________-

Eh eto na nga, after 2years na single. TAKEN NA KO. 

TAKEN NA ANG PUSO KO. :) 

Di ko na nga kayang mawala si Renz sa buhay ko eh. Cheesy much? Eh, ganun yung feeling ko.

Sa mga pinapakita niya, sa mga tingin niya, sa mga ngiti niya, kahit sino mag-aasume na may gusto sakanila yung lalaki kapag ganun. So, ako? Oo, assumera na kung assumera. Ako na din ang dakilang assumera. Pero feeling ko talaga gusto din niya ko. 

"Feeling mo lang yun!" Sigaw sa'akin ni Roxanne. Bestfriend ko.

"Eh? Pake mo ba? Ikaw kaya dito, nang ma-feel mo!" Sigaw ko din sakanya. Napatingin naman sa'amin yung mga tao sa canteen. Nakalimutan naming nasa canteen pala kami, sumisigaw pa kami, nakakahiya. :/

"Labas nga tayo dito, dun tayo mag-usap." sabay yuko palabas namin ni Rox.

***

"Oh? Abeeer? Eto lang ah? Di ka pa niya nililigawan o kaya sinabi na niya ba'ng GUSTO KA NIYA? Bakit ka maga-assume?" Sabi niya pagkalabas namin. 

"Sa mga pinapakita niya nga! Di'ba actions speak louder than words. Oh di'ba? May point?" Sabat ko kay Rox.

"My friend, ayoko lang maulit yung nasaktan ka ng two in a row at inabot ka ng two years dahil dun. Akala mo ba di ko napapansin na nalulungkot ka pa din dahil dun? Haaay." Sabi niya. Napatahimik ako. Napansin pala niya. Kahit kasi sinasabi ko'ng naka-move on at kinalimutan ko na, may mga oras na naalala ko at nalulungkot pa din ako dahil sa nangyari. 

"Friend, di ko na hahayaan mangyari pa yun sa'akin. Promise!" Sabay hug ko sakanya. Alam ko kasi na nag-aalala lang si Rox sa'akin. 

***

Lumalabas kami ni Renz. At oo, super saya siya kasama. Lalo ko tuloy minamahal yung taong 'to. :)))

Minsan nga, kasama namin si Rox eh. And kahit si Rox, masaya din kapag kasama yun. So, atleast now alam niya kung bakit ko yun minamahal. :)

***

Habang naglalakad ako papuntang rooftop. Nakarinig ako ng dalawang nag-uusap. 

"Si Renz at Rox yun ah?" Gumawa ako ng evil plan. Gugulatin ko sana silang dalawa pero nagsalita bigla si Rox.

"Ayoko masaktan bestfriend ko." Huh? Ano pinagsasabi niya? Mas mabuti pa'ng makinig na lang ako. Mukha kasing serious mga mukha nila eh. 

"Pero, lalo siyang masasaktan kapag itago natin 'to." Sabi ni Renz. Ano yun? Ano yung tinatago nila?

"Pero, ayoko talaga. Mahal ko bestfriend ko. Ayoko na masaktan pa ulit yun." Sabi ni Rox. Ano ba? Di ko sila maintindihan.

"Sino mas mahal mo? Siya o ako?" o_O WHAT? Ano yun? Ano yung sinasabi ni Renz? 

"Siyempre ikaw. Pero mahal ka din ng bestfriend ko. At magagalit yun kapag nalaman niyang tayo." Teka? Tama ba yung narinig ko? Si Rox at Renz? Si-sila na? 

"Kung mahal talaga ako ni Chezkah, pipiliin niya kung saan ako masaya. Mahal ko din naman siya eh. Pero, ikaw talaga mas mahal ko." Sabay yakap ni Renz kay Rox. 

Dahil dun, nabagsak ang mga dala ko. Na dahilan kaya napatingin sa'akin sila Renz at Rox. Napabitaw sila sa pagkakayakap nila at lalapitan sana ako ni Roxanne nang pinigilan siya ni Renz. At si Renz ang lumapit. 

Pagkalapit niya, sinampal ko siya. 

"Bakit niyo nagawa 'to? Ano ba nagawa ko'ng mali? Bakit pinaramdam mo sa'akin 'to?" Sabi ko ng tuluy-tuloy habang tuluy-tuloy di'ng tumulo ang luha ko.

"Chezkah, look. Calm down. Mage-explain ako." 

"Wala na. Narinig ko na ang lahat. At sapat na yun para sabihing niloko niyo lang ako." Lumapit naman sa'amin si Rox.

"Friend, sorry. Ayoko lang masaktan ka at---" *SLAP Sinampal ko siya.

"Wag mo ko'ng matawag-tawag na friend! Ayaw mo'ng masaktan ako? Pwes, ano to'ng ginagawa niyo sa'akin? Hindi ba pananakit ang tawag niyo dito? Magsama kayo!"  Sabay takbo ko paalis. 

Ang sakit. Ang taong mahal ko. At ang bestfriend ko. Kapwa niloko lang ako. Di ko matanggap. Di ako makapaniwala. Eto nama'ng Renz na 'to. Hmp. Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na mainlove sakanya. Bakit niya kasi siya nagparamdam na parang meron nga? Hay. :|

Ngayon? Ngayon di ko na alam ang gagawin ko.

Paano na lamang ako mabubuhay kung yung lakas ko wala na? 

OA man. Pero oo, kahit hindi naging kami ni Renz, He means a lot for me. He's my everything. And I don't know How do I breathe, without HIM by my side. :(

***

A/N: Nakiki-broken hearted ang story na 'to. BH din kasi ang author eh. </3 Well, Dedicate ko 'to kay Ate Rachelle. Thanks ate! Ikaw ang isa sa mga inspirasyon ko sa pagsusulat. :)) 

My One Shots Stories ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon