I won't give up..

176 2 0
                                    

Pagsuko?

Wala 'yan sa vocabulary ko.

Mahal ko siya.

 Ay hindi.

Mahal na mahal ko siya..

Kaya kahit ano man ang mangyari, tumutol man ang lahat, dumaan man ang bagyo, madami ma'ng sumagabal o isugal ko man ang lahat, 

Mamahalin ko pa rin siya, at hindi ako titigil na gawin 'yun. Kahit paulit-ulit pa..

---

"Nako. Alam ko na ya'ng style mo. Baguhin mo na nga!" Sabi ko kay Ken. Ang bespren ko. Ang kapatid ko. Ang kuya ko. Ang tatay ko. At ang..

taong pinakamamahal ko..

"Haaaay. Ayoko na, Kass. Suko na ko." Sabay akbay niya sa'kin. 

Nilapag ko naman sa mesa ang binabasa ko'ng aklat at tumingin sa'kanya. "Pag-suko. Alam mo namang ayoko'ng marinig yung word na 'yan di'ba?"

"Oo nga pala! Galit ka sa word na 'yun! Tapos ikaw pa yung tipo ng babae na di sumusuko! Saludo ako sa'yo, Kass!" Sabay salute niya sa'kin. OO NA, KEN. Ako na yung di sumusuko. Ako na talaga. Kaya nga hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko eh. 

Naging kami na ni Ken. OO, inaamin ko, AKO ang may kasalanan kung bakit di nag-work ang relationship namin noon. Siguro nga, napaka-childish ko pa nun. Tapos, sa panahong hinahanap at kailangan ko siya, eh ibang tao ang nakita ko. Kaya siguro, na-inlove ako sa iba nun..

At dun. Nag-break kami ni Ken..

Hindi rin naman naging kami nung taong kina-inlove-an ko nun. Kasi..napag-isip isip ko na. Mali. Maling-mali. Gusto ko makipagbalikan nun kay Ken. Pero wala din. Wala pa ring nangyari. 

At dahil nga sa relasyong hindi na pwede pa'ng ibalik..

eto kami..Naging magkaibigan na lamang..

Pero hanggang ngayon, 

di pa rin sumusuko ang puso ko'ng umasa. Umasa na balang araw. Babalik kami. Babalik ang relasyon namin ni Ken. At alam ko, sa araw na 'yun. Hindi ko hahayaan ang sarili ko'ng magkamali ulit. Ayoko. Hindi na. Ayoko na ulit mangyari 'yun..

"HOY!"

"Ay, takte!?"

"Nagda-daydream ka nanaman. Nako. Nako. Napapala mo sa kakabasa ng novels eh." 

"Ano'ng masama dun? Nako. Tumigil ka rin diyan sa ka-emehan mo Ken ah! Ang sabi ko naman kasi sa'yo, huwag na kay Reen. Ayaw ka nga ng tao di'ba? Bakit mo pa pinagpipilitan yung sarili mo? Madami pa'ng iba diyan, Ken. Promise."

"Alam mo..Ang labo mo rin talaga noh? Tama lang na may salamin ka, ang labo mo talaga, Kass." 

"Ano nanaman 'yun, Ken Gomez?! Bakit ako pa ang naging malabo, aber?"

"Eto ah. Kanina lang. Pinapagalitan mo ko kasi nasabi ko 'yung PAGSUKO. Eh ba't ngayon, parang pinapasuko mo ko? ANG LABO MO 'TOL!" Sabay gulo niya sa buhok ko.

"Ah. Eh. Ganito kasi 'yun, pare. Hindi ka lang susuko kung alam mo'ng may pag-asa pa. Yung tipong konting tiis na lang eh ayan na't makukuha mo na. Pero iba sa'yo pare eh. Napagisip-isip ko ah, na AYAW sa'yo ni Reen. Simula't sapol wala talaga siya'ng interes sa'yo. ZERO. NEGATIVE. WALA. AS IN.. WALA. Kaya't bakit ka pa gagawa ng effort kung lahat ng iyon masasayang na lang di'ba? Kung sa iba mo ginawa 'yan, baka nasuklian pa 'yan.." Tahimik naman si Ken matapos ko'ng sabihin 'yun. 

My One Shots Stories ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon