12:51 [A Memorable Time]

346 8 4
                                    

A/N: OO. Sobra ako'ng na-LSS sa kanta'ng to. At dahil nga LSS ako, ginawan ko ng story. Hindi siya actually related sa lyrics ng kanta. Pero sana magustuhan niyo pa din. :)

***

"Matagal ko ng tinatago to'ng nararamdaman ko, at siguro nga, this would be the time that I should confess about it. Coleen, I love you. Pwede ba'ng manligaw?"

From: Bhez Ryan

December 1, 2030 12:51 pm

Ako si Coleen. Simple lang. 2nd year college na at taking up BS Accountancy. Ang nagtext ay ang best guy friend ko. Si Ryan. 2nd year college na din and taking up BS Architecture. Nag-aaral kami sa iisang school. At magkaibigan na kami since highschool.

Inaamin ko, gusto ko din si Ryan. Pero, yung mga time na yun. Iba ang gusto niya. Kaya natakot ako'ng sabihin ang nararamdaman ko. Nagka-girlfriend siya nung 3rd year high school kami. Sinuportahan ko naman siya. Kaso yun nga, alam ko ang limitasyon ko at iniwasan ko siya nung mga oras na yun. 

Pero, makulit talaga si Ryan. Makulit talaga ang Bhez ko. Tuluy-tuloy pa rin kasi siyang lumalapit sa'akin. Minsan nga, nagseselos na ang girlfriend niya dahil palagi na lang daw AKO ang bukambibig ni Ryan. Lalo na nga noong umalis si Ryan sa gala nilang magkakaibigan dahil sa'akin. Nagsuka lang naman ako nun, at dahil siya ang nasa speed dial ko kaya siya agad ang nasabihan ko nun. OA lang siguro siya kaya tumakbo paalis sa gala nila para sa'akin. :D

Tumagal ng sampung buwan ang relasyon nila. Alam ko, nasaktan si Ryan ng mga oras na yun. Kaya ako? Dahil nga dakilang BESTFRIEND lang ako. Ako ang naging iyakan niya nung mga oras na yun. Ako ang naging karamay niya sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. 

Di nagtagal ay nagkaroon ulit siya ng girlfriend. She's half American half Filipino. At katulad pa din ng nangyari dati, naghiwalay ulit sila nung 1st year college kami. At this time, inakala ng babae na niloko siya ni Ryan. Akala ng babae na GIRLFRIEND din niya ko. At kaya nagawa ng babae na makipagrelasyon din sa iba habang sila pa ng kaibigan ko. At isang araw, ayun nakita namin ang babae kasama ang lalaki'ng pinantapat niya sa kaibigan ko.

Siyempre, ganun ulit ang ginawa ko. Naging bestfriend din ako sakanya. Kaya lang, tao lang din ako. Napapagod. Nagsasawa. Nasasaktan. 

Kaya sinabi ko kay Ryan ang nararamdaman ko.

"Bhez. Di ko na kaya. Di ko na kayang itago pa 'to. Mahal kita, Bhez. Sobra. Gusto na kita dati pa. Pero takot lang ako na sabihin 'to. Bhez. Sana wag ka'ng magbago sa'akin dahil sa sinabi ko.."

To: Bhez Ryan.

November 25, 2030 12:51 am

Pinag-isipan ko yan, kaya inabot na ko ng madaling-araw para dun. 

Hindi naman ako nag-expect na sabihin ni Ryan na gusto niya din ako. Basta, ang importante, nasabi ko ang nararamdaman ko. 

At ayun nga, di kami nag-iwasan ni Ryan. Kahit naiilang ako, nagpatuloy pa din ang mga dati naming ginagawa. At napag-isip isip ko na, okay na din siguro 'to. :)

Hanggang sa itext niya ang tungkol sa gusto niyang panliligaw. Nung una, tumibok ng malakas ang dibdib ko. At unti-unti ko'ng naramdaman ang saya sa'akin, nalaman ko din kasi na ang taong minamahal ko dati pa, ay gusto rin ako ngayon. :)

***

Hanggang sa dumating na ang panahon na sa tingin ko'y tama na para sa'aming dalawa.

Kumakain kami ng ice cream sa park. Nang maubos namin yun. Nag-swing kami at doon na nag-usap.

My One Shots Stories ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon