Can't Cry Hard Enough..

254 7 2
                                    

R.I.P

Marki Velasco

Date of Birth: May 13, 18xx

Date of Death: March 30, 20xx

Haaaaay. :| Almost 3 years ka ng patay. At ewan ko pero gusto ko pa ring umiyak dahil sa nangyari. Hon, di ko pa tanggap. Bakit ganun lang kabilis ang lahat? Ang sarap alalahanin ang simula ng ating pag-iibigan. Actually, di'ba nga? Di mo pa alam na gusto kita nun? Ikaw kasi eh. Ang manhid-manhid mo! Bestfriend lang ang tingin mo sa'akin. Pero kahit ganun. Mahal kita. Minamahal pa rin kita, hon. =(

---

May tumakip sa mga mata ko. Alam ko kung sino 'to. :)

"Marki, kahit ano'ng gawin mo. Alam ko'ng ikaw 'yan." Sabay alis ko sa mga kamay niya. 

"Ano ba 'yan?! Magpanggap ka naman na di mo ko kilala muna." At tumabi siya sa'kin. 

"Loko ka ba? Alam ko naman na ikaw. Ba't magkukunwari pa ko? Mag-isip ka kasi ng bago." Tapos nun, inakbayan niya ko.

"Eh. La ko maisip eh. HAHA!" At tumawa kami parehas. 

Siya si Marki. Ang bestfriend ko. Ang kuya ko. Ang papa ko. At ang...

..mahal ko..

Wala ako'ng ama. Wala ako'ng kuya. Nag-iisang anak lang kasi ako. Kaya simula nung grade4 ako. Tinuring ko ng kuya,papa at bestfriend si Marki. *ehem siyempre, mahal ko din. ::)

"Steff. Wag ka nga magsalamin." Sabi sa'akin ni Marki. Nakasalamin kasi ako. Actually may contacts din ako. Pero di ko alam kung ano yung trip ko at nagsalamain ako ngayon. 

"Ano naman? Ayoko muna magcontacts eh.." Tapos nun. Tinaggal niya ang salamin ko.

"Di bagay sa maganda ko'ng bestfriend ang nakasalamin. Di makikita yung beautiful eyes mo. 'Yan pa naman asset mo." Kinuha ko naman sakanya ang salamin ko.

"Eh, gagi ka pala. Oo na. Asset na. Pero wala ako'ng nagustuhan sa mga nireto mo sa'kin eh." Tama. Siya ang nagrereto sa'kin. Merong mga nanligaw pero HELLO. As in H-E-L-L-O. Nagiisa lang ang laman ng puso ko. At si Marki na 'yun.

"Eh, bakit ba kasi wala ka'ng magustuhan?" Tanong niya at tumitig sa'akin. 

Gahd. Ayoko ng ganito. Ayoko ng tinititigan niya ko. 

"Ano ka-si. May i-ba.." 

"MAY IBA KANG GUSTO?!" Di niya ko pinatapos. OO, IKAW KAYA 'YUN!?

"Ganun na nga.." Sabay yuko ko.

"Eh, sino naman?" Pagtataka niyang tanong..

Teka.. Sasabihin ko ba? O.o

Ayoko. Kinakabahan ako.

Teka? Sabihin ko na kaya? 4th year college na kami. Oo, ganun katagal ko tinatago to'ng nararamdaman ko sa'kanya. Baka naman, ngayon na 'yung chance para sabihin ko na yung nararamdaman ko.

*KRIIIIIIIIIIIIIING

"Ay. Nako. Bell na. Hintayin kita umuwi ah? Ingat ka, Steff! Labyooooooo!" At umalis na siya sa harapan ko.

My One Shots Stories ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon