FIVE ROSE

62 3 3
                                    


 

Aszha !!!!!  malakas na sigaw ng isang ginang, sabay labas nito sa isang maliit na kubo.

Sumalubong sa kanya ang pang-umagang sinag ng araw , at ang sariwang hangin.

Saglit nitong natigil sa pagtawag sa anak,, nang bahagyang kumalma na ang kanyang pakiramdam ay muli siyang sumigaw..

Aszha !!!!!!!!!!!!!

 

Nag echo sa buong lugar ang tining nito, ang ibang ibon ay nagliparan palayo sa kanilang kinalalagyang puno kanina, sadyang nagulantang ang mga ito sa pagsigaw ng babae..

Maya-maya pa ay makikita ang isang dalagita na nagpapalipat lipat sa taas ng puno, naglalambitin sa bawat sanga nito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi na mahihinuhang masaya sa kanyang ginagawa.

Get you're f*cking ass here.. parang leon na sabi ng ginang..

Why would I do that.. sabi pa ng dalagita habang nakangiti..

Okay,, if you say so.. be ready.. babala ng ginang at muli bumalik sa loob ng maliit na kubo, maya –maya pa ay lumabas na ito at may bitbit na shot gun,, itinutok agad iyon sa dalagita, na parang wala lang sa kanya kung ano ang dala ng ina..

 

You rascallll.... Sabi nito kasabay ng pagpapaputok ng sunod sunod, mabilis naman ang kilos ng dalagita at agad na iniiwasan ang balang pinauulan sa kanya.

 

Binibilang din nya ang bawat putok..kapit sa isang sanga ng puno sabay talon ang ginagawa nya. Naglambitin pa sya sa ilang lubid na sadyang nakatali na sa bawat sanga.

Nang matapos ang kanyang pagbibilang pumutol sya ng isang tuyong sanga, at mabilis na tumalon pababa habang nakayukong iniiwasan ang bala, pakaliwa at pakanan pa ang kanyang takbo. Sa tantya nya  isang bala na lang ang natitira sa baril ng ina kaya, huminto sya tatlong dipa ang pagitan dito. Nakatutok lang sa kanya ang baril.

Parang hindi sila mag-ina sa kanilang posisyon, maging ang kanilang mga ekspresyon ay sadyang nakakatakot at seryoso. Nakatingin sa mata ng bawat isa.

Pinakikiramdaman ng dalagita kung kakalabitin na nito ang gatilyo, ngumisi ng pang-asar ang kanyang ina at pinaputok na nito ang baril. Hindi umiwas ang dalagita, bagkus ipinangsang gala pa nito ang naputol na sanga ng kahoy sa balang nakikita nyang paparating malapit sa kanyang kaliwang braso.

Parang tinapik lang nya iyon sa pamamagitan ng sanga. At lumihis ito patama sa katabing puno.

Okay ,, lets eat,, sabi ng ginang at biglang nagbago at umamo ang anyo nito, parang wala lang ding nangyari at tumakbo palapit ang dalagita at humawak sa braso ng ina..

 

Ano agahan natin,,?  masiglang tanong nito kasabay ng paglalakad.

Just like before...hahahha sabi ng ina habang tumatawa..

Yucccckkkk... sigaw ng dalagita na animo masusuka, huminto ito sa paglalakad para sana muling tumakbo, subalit nakalimutan nyang nakakapit nga pala sya sa ina kaya nahawakan nito ang kanyang mga kamay at hinila sya papunta sa pinto ng kubo..

WHEN GUN AND ROSES COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon