NINETEEN

49 0 0
                                    

Are you sure about this ?- tanong ni Mr (Proff ) Bailey sa babae.


Marahang pagtango lang ang naging pagsagot ng Ginang. Walang nagawa ang lalaki kundi bumuntong hininga, at sundin ang pinagagawa sa kanya.


Iginuhit na niya sa likod nang natutulog na dalaga ang isang napakalaking dragon na humuhugis na letrang S, halos umabot iyon sa bewang nito. Ang bunganga nito na may kagat na gintong bala, na sadyang purong dinurog na ginto ang nakalagay, maging ang isang mata nito na mayroong tunay na diamond na kasing laki ng piso. White ink ang gamit nila na hinaluan din ng pinung pinong diamond, kaya kumikislap iyon kung tatamaan ng liwanag, sadyang napakaganda.


Halos umabot sila ng sampong oras bago matapos. Nanatili namang tulog ang dalaga. Hinilot hilot pa ni Mr Bailey ang mga kamay, bago titigan ng may pagmamalaki ang likod ng dalaga.


Seal done.. -pahayag nito, pagtawag pansin narin sa ginagawa ng babae, na nagpalingot naman sa kanya. Lumapit din ito at tiningnan din iyon.


Great... now for the last step before the wave.-. makahulugang sabi niya sabay balik ng tingin sa lalaki. Naunawaan naman nito ang sinabi niya at seryoso naring tumango.


Akmang lalabas na ito ng silid ng matigilan ito na parang may naalala.


Saan natin siya maaring iwanan ?- tanong nito sa ginang.


Don't worry about that, I have one just go.- Tugon lang nito. Tumango lang ang lalaki at lubusan na nga'ng lumabas.


Bumalik naman ang tingin ng babae sa dalaga, partikular sa leeg nito. Sa bagay na naroroon. Mariin na ikinuyom ang mga kamao, para pigilan ang nararamdaman nito.



Muling bumalik sa kanyang ginagawa, ang ilang mga baril na nakakalat sa lapag, mga iba't ibang uri ng pampasabog,cellphone, mga bala. Ang sino mang makakakikita ng silid na kinaroroonan nilang mag-ina ay pagkakamalan na silang mga terorista dahil sa kompletong gamit na makikita.



Hindi naman siya mangangamba na baka biglang gumising ito. Mataas na dosage nang pang patulog ang pinainom niya dito kaninang umaga. Kaya malamang na kinabukasan narin ng umaga ang gising nito sapat na para maihanda na nila ang lahat.



Superior, I hope that you are always prepared. Bulong nito sa hangin na animo maipaparating sa kausap ang kanyang sinasabi.



**



Maingay, mga kakaibang ingay na bago sa kanyang pandining ang nag pa mulat sa kanayang mga mata. Kinukusot ang iyon habang hinahanap ang mga kakaibang ingay.



A-anong lugar i-ito ?? may takot na tanong niya sa sarili. Habang mabilis na tumayo at napaatras ang kanyang mga paa. Tumama naman ang kanyang likod sa isang matigas na bagay. Napahawak siya roon. Natatakot siya sa mga nakikita niya sa paligid. Nangining ang kanyang mga tuhod at muling napaupo. Tiningnan niya ang kanyang kinsasandalan isang matayog na puno. Ang tanging bagay na pamilyar sa kanya..

WHEN GUN AND ROSES COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon