FOURTEEN

50 1 0
                                    

Azsha, you naughty rascal !!! asar na bulong ng Ginang sa sarili habang patuloy parin ang pagtakbo nya ng mabilis, tulad ng oras na nakikipaghabulan sa kanya, maging si kamatayan na lagi atang handang tangayin ang buhay niya.


Pinasingkit nya ang mga mata para makita ang madamong lugar, malapit na sya sa bungad ng kweba nang makarining ng malakas na pagsabog, mukhang may nakaapak sa itinanim niyang bomba, hindi lang naman kasi panay halaman ang pwedeng itanim sa lupa.


Bumakas ang isang ngisi sa labi ng Ginang at mabilis na tumalon at nagpadausdos, inilang hakbang nalang niya at nakita na nya ang nakahigang anak sa malaking bato, hindi manlang ito nagising sa pagsabog..


D*mn girl... malutong na mura ng Ginang habang nilalapitan ang dalaga..


Azsha !!! tawag nya dito habang niyu-yug-yog ang balikat. Napadilata naman ng mata ang dalaga at napakamot sa likod ng kanyang tenga.


What ? ? parang naiinis na tanong nito.


Get up and follow me you rascal.. nandudumilat ang mata ng Ginang na sigaw nito.


Why ?? nagtatakang tanong naman ni Azsha.


Just shut up and follow me.. mariin na sabi na lang ng Ginang at hinila na ang kanyang kamay palabas sa kweba na iyon. Malikot ang mga mata nito na inilibot ang paningin sa paligid. Hindi kakikitaan ng anoma'ng emosyon ang kanyang anyo.


Walang imik na nakasunod lang ang dalaga, kahit takang-taka na siya sa inaasta ng kanyang ina. Hindi na bago sa kanya ang sigawan nito, pero hindi maitago ng isang bahagi ng kanyang utak ang kakaibang nararamdaman nya, maging ang sinasabi ng kapaligiran. Parang may kakaibang nangyayari sa paligid.


Faster girl.. wala na tayong oras. Narining pa nyang sabi ng Ina. Hindi siya sumagot nakasunod lang.


Biglang napahinto ang dalaga ng makarining ng malakas na pagsabog sa kaliwang bahagi ng kagubatan, maging ang mga nagliparang ibon ay animo natakot.


What was that ? mahinang sabi ng dalaga.


Don't mind that girl. Lets go..sabi lang ng Ginang at hinatak na muli ang kanyang kamay at pakaladkad syang hinila.

Masakit kaya... protesta ng dalaga.


**

Sa grupo naman ng mga Butai's ay alisto ang mga ito. Sa pangunguna ni Daijon, walang bakas na ano'ng emosyon sa kanyang anyo. Aral ang mga kilos maging ang bawat paghakbang nito.


Hindi nila alam na napaghandaan rin pala ng kanilang hinahanap ang pagdating nila, kaya ng sumabog kanina ay may ilang agent ang hindi na nakailag at napasama sa pagsabog, subalit hindi na nila pinansin iyon at tuloy-tuloy lang ang kanilang pakay.


Natatanaw na nila ang isang kubo.


WHEN GUN AND ROSES COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon