SEVEN ROSE AND BULLET

54 1 2
                                    


 

Tao'ng bundok nga naman hindi nakakaintindi ng English,,,naiiritang bulong ni Kaden sa sarili habang nakatanaw sa hindi nya malaman babae o lalaking nakapansin sa kanya.

Baka pwedeng tulungan mo ako...sabi nya sa mas mahinahon nang tinig.

Tumango-tango lang si Azsha... namamangha parin ang kanyang mga mata sa nilalang  na ito.

Pinipilit naman ni Kaden na wag kumawala muli ang kanyang inis, para naman kasing ngayun lang nakakita nang tao ang tutulong sa kanya. Nag –aalangan pa nga ito kung lalapit sa kanya o hindi.

Ahhh..ano ba gagawin ko ? ? maya pa ay tanong ni Azsha,pinapagana ang isip nya subalit hindi inaalis ang mata sa nilalang na kanyang natagpuan at ngayun nga ay kumakausap sa kanya.

Gusto nyang magtatalon, dahil bukod pala sa kanyang ina ay may ganito rin palang nilalang sa mundo, subalit pinipigil nya ang sarili at masusi pari nyang pinag-aaralan ang anyo nito..

 

Just come here... narining nyang tawag nito sa kanya..bahagya pa nyang kinagat ang labi at nag-isip.,subalit sa huli nagpasya na syang lapitan ito..

Mabilis syang nakapunta sa tabi nito. At pinakatitigan maigi ang mukha nito , maging ang kabuuan. Lumuhod pa sya para mas lalong makadikit dito..

Anong ginagawa mo ? ? nataranta naman si Kaden sa ginagawa nito, para kasi itong namaligno kung makatingin sa kanya, inilapit pa ang mukha nito sa mukha nya..

Hindi pa iyon na kuntento at inamoy amoy pa sya na parang aso..biglang napalunok ang binata sa ginagawa ng estrangherang tumulong sa kanya.

 

Hoy teka.. ano ba !!!! sabi pa nya para awatin ito sa kung anong balak gawin,, bumababa na kasi ang mukha nito sa kanyang leeg..at doon naman inamuy-amoy ulit sya...katakut-takot na lunok na ang nagawa ng binata. Hindi mawari kung ano ang gagawin sa sitwasyon na iyon, kinakabahan din sya.. malay ba nyang aswang pala ang isang to..

Pinigil nya ang noo nito na nakatapat na sa kanyang dibdib..

Tumingin sa kanya ang maamong mukha nito, maging ang nagtatanong na mga mata.

 

Aso ka ba? Kung makaamoy ka.. tulungan mo ako hindi amuyin..sabi nya dito sa pagalit na tono, subalit sa kalooban nya ay kinakabahan talaga sya, mabilis din ang pintig ng kanyang puso, hindi ba alam ng tao'ng ito ang ginagawa nya. At kung ano ang binubuhay nito sa katawan nya..

 

Lumayu ka nga muna... sabi pa nya para habulin ang paghinga,dahil sa lapit ng kanilang mga mukha..

Sinunod naman iyon ni Azsha,,naupo sya paharap parin sa inaakala nyang kakaibang nilalang na may mabangong amoy..

Mas malaya nyang natitigan ito, sinuri nya ang pagkakaiba nito sa kanya. Ang buhok ng nilalang ay nasa lagpas tenga nito, sya naman ay umabot na sa kanyang leeg,subalit may mahabang parang buntot na nasa likod ng kanyang tenga na laging tinatalian at binabalutan ng tela ng kanyang ina.

WHEN GUN AND ROSES COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon