EIGHTEEN

46 2 0
                                    

Biglang napadilat ng mata ang dalaga at agad bumangon, may kakaiba siyang nararamdaman sa paligid, kaya naging alerto kaagad ang kanyang mga mata, inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya.


May kakaiba siyang tunog na naririning, maging ang lamig sa paligid ay hindi pamilyar sa kanya.


Anong lugar ito ? marahan niyang naitanong sa sarili habang patuloy na sinusuri ng kanyang mata ang paligid. Ang kakaibang amoy ng lugar na nanunuot sa kanyang matangos na ilong, kakaibang amoy na bago lang sa kanya.


Kakaibang mga bagay na halos bago sa kanyang mga mata, hindi niya matukoy kung anu-ano ang mga ito. Maging ang kinauupuan niya ay hindi niya alam kung bakit parang kakainin nito ang kanyang katawan dahil bahagya siyang nakalubog. Kinapa kapa pa niya iyon, ang malambot na tela na tumatabon sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.


Kinamot niya ang likod ng tenga at nag-isip muli.


Nasaan ba ako? Tanong niya muli habang inaalala ang mga nangyari sa kanya, putok ng baril, sa loob ng kagubatan, ang pagtakbo nila ng kanyang ina, ang mga bagong nilalang na humahabol sa kanila,, sa huling naisip ay napalaki ang kanyang mga mata.


U-umalis na nga pala kami sa aming tirahan, at naglakabay kami lulan ng kakaibang bagay na may apat na malalaking bilog sa magkabilang gilid na tumatakbo ng mabilis, kasama ang kauri naming nilalang ni Ina... mahabang sabi ng dalaga, namimilog parin ang mga mata habang nakasapo na sa kanyang baba ang kanyang kamay.


Nasaan kaya si Ina ? muling tanong niya pagkadaka, at biglang tumayo sa kanyang kinahihigaan, masarap sa pakiramdam ang bagay na hinigaan niya dahil malambot nga ito. Nais pa nga niyang usisain ang mga bagay na nakikita niya sa paligid subalit kailangan muna niyang mahanap ang kanyang Ina kaya nag pasya siyang lumabas na muna.


Lumapit siya sa pintuan, kahit kakaiba iyon sa paningin niya, hindi naman ipagkakaila na alam niyang pintuan iyon, mayroon sila non sa kanilang kubo.


Pinihit niya iyon at bahagyang hinila pabukas, nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas na siya. Bumungad sa kanya ang isa na namang lugar na nagpapagulo sa kanyang isip. Napakamot na naman muli sa batok si Azsha.


Anong lugar ba talaga ito ? kunot noong tanong niya at inilinga ang ulo sa magkabilang gilid na nilalakaran. Hindi ito tulad ng pinangalingan niya, hindi ganun ka luwang subalit hindi naman masikip, sakto lang para magkasya ang tatlong nilalang kung maglalakad ang mga ito ng sabay.


Huminga siya ng malalim, kahit na gumagapang ang takot sa kanyang katawan, subalit nagpapatuloy parin siya sa paglalakad.


Ina... malakas na tawag niya..



Ina !!!!!


Napalingon ang Ginang, hindi nakalagpas sa kanyang matalas na pandining ang pagtawag sa kanya ni Azsha.


Mabilis niya binalingan muli ang dalawang monitor sa kanyang harapan, mabilis na nagtipa sa keyboard. Kabisado ng kanyang mga daliri ang dapat gawin. Halos magdamag siyang naroroon sa silid na iyon, abala sa kanyang ginagawa, nasa huling bahagi na siya. Malapit ng matapos.

WHEN GUN AND ROSES COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon