SIXTEEN

55 0 0
                                    

 Hindi malaman ni Azsha kung saan igagawi ang paningin, lalong nanlulumaki ang mabilog nya'ng mga mata. Tama ba lahat ng nakikita niya.


Ito ba talaga ang lugar kung saan malayo sa kagubatang kinalakhan niya. Nakakaramdam siya ng kung anong takot, marami siyang nakikitang ibat ibang uring bagay na sa libro lang niya nakikita lahat, ang iba pa nga ay hindi niya alam.


Maging ang mga nilalang na tumatayo at nagsisipaglakad sa kanilang mga paa, na may ibat ibang uri ng kasootan, kasuotang ibang'iba sa may roon at ginagamit niya. May mga kulay ang mga nguso ng ibang nilalang maging ang mga pisngi ng mga ito ay animo nalagyan ng isang halamang bunga na kulay pula. Mga uri ng tela na animo binalot sa isang nilalang na may napakataas na sapin sa paa.


Hinawakan niya ang tapat nang kanyang dibdib dahil parang siya ang nahihirapang huminga para sa nilalang na iyon.


Tumingin pa siya sa ibang nagdaraang nilalang, talagang kakaiba ang mga ito sumasakit ang kanyang mata, maging ang kanyang ulo sa kakaisip kung ano bang uri sila.


Meron pa nga na kakaiba ang naghahabang kulay pulang buhok, ang iba ay parang kasing kintab ng isang bao dahil wala kang makikita.


ang iba naman ay parang mga maliliit na nilalang na nagsisiiyakan sa gilid ng isang kubo na sa wari nya ay mas maganda pa ang istilo ng kanilang kubo.

May kakaiba din usok ang nakikita niya sa paligid na sumasama sa hangin. Nasapo nalang niya ang ulo dahil sumasakit na iyon. Parang hindi kayang tanggapin ng utak niya ang lahat, ipinikit niya ang mata at nagpasyang payapain ang sarili.


Apura kuskos ng dalawang kamay niya sa magkabilang hita, hindi niya malaman kung madudumi o maiihi ang pakiramdam niya, mabilis ang pagtibok ng kanyang puso, lalo na ng may dumaang dambuhalang bagay na tulad sa kinalululanan nila, agad siyang napaatras ng upo palapit sa kanyang ina.


Biglang nangining ang kanyang katawan. Humawak siya sa ginang at tinawag ito sa na uutal na tinig..


i-ina ...hindi niya malaman nasaang daigdig ba siya naroroon.


Si Mr, Bailey naman na siyang nagpapatakbo ng hummer jeep ay tumingin lang sa Ginang. Nagkatiningnan sila at nagtatanong kung ano ang nangyayari sa dalaga. Umiling lang ang babae.


Stop the car .. mariing sabi ng Ginang. Mabilis naman na tumalima ang lalaki.


Azsha dito kalang.. bilin niya sa anak. Kahit halos maiyak ang dalaga sa pag-aakalang iiwanan na siya ng ina, ay pilit itong tumango. Nagmamakaawa ang tingin nito at takot na takot ng binuksan nang ina ang pinto, dahil narining niya ang ibat'ibang uri nang tunong at ingay na bago lang sa kanyang pandining kaya tinakpan niya ang tengga habang itinaas ang dalawang paa at niyakap ang kanyang binti, isinubsob niya ang ulo sa kanyang mga tuhod.


Natatakot siya yun ang totoo, gusto niyang umiyak kaya yun ang ginawa niya ng palihim.


Nakikiramdam lang ang lalaki sa inaasta ng dalaga. Patingin-tingin siya sa gawi nito at sinusuri ng maiigi.


WHEN GUN AND ROSES COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon