SEVENTEEN

37 1 0
                                    

Walang alam si Azsha kung saan na sila naroroon, dahil sa wala talaga siyang alam sa lugar. Dinala sila nang nilalang sa isang malaking kubo yun ang alam niya.


Isang napakaganda at malaki..sobrang laking kubo.


Subalit hindi na niya gaano iyon pinagtuunan ng pansin, mabigat ang kanyang mga talukap, at nais na niyang magpahinga, nahihilo pa siya dahil sa bagay na kanilang sinakyan kanina. Hindi siya sanay. Lalo na ang kanyang katawan kaya siguro na naninibago.


Ina... nanlalata niyang pagtawag dito. Kahit magsalita ay parang hindi na niya kaya.


Sa tingin ko kailangan na niyang magpahinga. Sabi ni Mr, Bailey sa Ginang. Habang nakatanaw sa dalaga.


Tumango lang ang Ginang pagsang-ayon sa sinabi nito.


Azsha go and follow Mr Bailey, he will take you in your room. Sabi niya sa anak. Tumango lang ito at pilit iminumulat ang mata at sinundan na ang nilalang na si Mr Bailey daw.


Umakyat sila sa hagdan na may sampong baytang. Hindi na iyon pansin pa ng dalaga, maging ang nasa paligid niya na ilang silid na magkakasunod, basta lang siyang sumusunod sa lalaki.


Take a rest here Miss. Sabi ni Mr Bailey at binuksan ang pinto. Tuloy tuloy lang ang dalaga sa kung saan maaari niyang ibagsak ang katawan. Parang sariling instinct nalang niya ang gumagana. Kung saan siya dalhin ng paa. Kusa nalang niyang ibinagsak ang katawan sa malapad na tela, tumalbog pa siya ng kaunti, wala siyang pakialam sabay tuluyang pagpikit ng mata. At paglakbay ng kanyang diwa.


Napailing nalang si Mr, Bailey sa nakikita niya at isinara ang pinto at bumababa, pumunta kung saan narororon ang Ginang.


ReYnna .. tawag pansin ng lalaki sa nakatalikod na babae. Malalim ang iniisip nito, subalit nang marining ang kanyang pagtawag ay matalim itong sumulyap sa kanya.


What now Bailey? You are supposed to be in Voltaire? What are you doing on that area? Sunod-sunod na tanong nito sa lalaki.


Do I need to explaine it. Sabi nito sabay buntong hininga. Lalo lamang nainis ang Ginang sa sagot nito kaya pinanliitan niya ng mata ang lalaki.


So you knew it all along where we are? Saad pa ng Ginang with her sacasm tone.


Yes... maikling sagot lang ni Mr, Bailey which is currently a Proffesor in Voltaire University too.


Why ? tanong pa ng ginang, pilit sinusuri kung ano talaga ang nasa isip ng lalaki.


Para ituwid kung ano ang tama. Sabi nito at seryosong tumingin sa mga mata ng babae. Napa palatak lang ang huli sa narining at hindi na niniwala sa sinabi nito.


For what? ?  after all its part of the past now, we can't turn the time and change it. Sabi nito at tila ayaw nang pag-usapan pa kung ano ang nangyari sa nakaraan.


ReYnna .. pagtawag muli ng lalaki sa kanyang pangalan.


Stop it Bailey, matagal nang wala ang taong tinatawag mo sa pangalan na iyan. Ano man ang gawin natin hindi na maibabalik ang nakaraan, dahil paulit-ulit lang ang mangyayari. Wala tayong magagawa. Galit nang sigaw ng Ginang maging ang mga mata nito ay masama ang pagkakatingin sa lalaki.


May magagawa pa tayo ngayun ReYnna .. pwede pa nating mabago ang kapalaran niya... Sigaw din ni Mr Bailey habang nag-iigtingan ang mga panga, habang nakaturo ang kamay at daliri nito kung saan'g silid naroroon si Azsha.


Wala na tayong dapat baguhin. Anak ko na siya. Ako na ang Ina niya. Ako na ang handang magprotekta sa kanya.. sigaw muli ng Ginang, lalong nang umigting ang galit na makikita sa mga mata nito. Maging ang pag hinga nito ay marahas narin. At mariing nakakuyom ang mga kamao.


Pero darating din ang araw na mahahanap at mahahanap siya, tulad ng kapalaran niya. Papatayin din siya ng mga tao'ng tinatakbuhan mo. Wika ng lalaki habang nasa mga balakang nito ang kamay. Pilit ipanapaliwanag sa babae ang mga bagay-bagay.


Natigilan ang Ginang, matagal na niyang alam iyon. Matagal narin niyang napaghandaan, humugot siya ng malalim na hininga para mapakalma ang sarili, pagdaka ay seryosong tumingin muli sa lalaki.

 

Lets not talk about it now.. sabi niya at naglakad papalayo dito. Umakyat siya sa hagdan at pumasok sa isa sa mga silid na naroroon.


Naiwang napapaisip naman si Mr, Bailey bumuntong hinga at humawak sa kanyang noo, bahagyang hinilot iyon at pumikit. Bakit ba kailang maging ganito ka kumplikado ang lahat? Tanong nito sa sarili at naglakad palapit sa main door, lumabas at lumapit sa sasakyang ginamit nila.


Pinagpasyahang iwan muna ang mag-ina, at lumayo sa lugar.


**

Si Daijon naman na maayos na muli ang pakiramdam ay nasa kanyang condo ngayon at malalim na nag-iisip habang hawak ang file na ibinigay dati sa kanya ng kanilang Principal <dean>.


Ang profile at katauhan ng kanilang hinahanap. Ang babae'ng nakakaalam kung nasaan ang kanyang kapatid.


Ngunit sa ipinagtataka niya. May mali at parang kulang ang ilan sa mga nakatala sa peofile nito maging ang family background nito ay hindi malinaw.


ReYnna just a single name. no surname and middle name either. What the fuck is this ? naiinis na wika ng binata sa sarili. Habang binabasa ng paulit-ulit ang hawak niyang papel. Nais niyang punitin iyo sa sobrang asar. Subalit sa halip na gawin iyon basta na lang itinapon. At naglakad papalapit sa study table niya at binuhay ang desktop computer nito.


Habang nasa kama nito ang laptop na bukas din. Kung saan iyon ang ginamit niya kanina para makahanap pa ng ibang impormasyon sa babae. Subalit bigo siya.


Mabilis na nag tipa ang kanyang mga daliri. May ilang website na siyang binuksan para maghanap. Maging ang government official site ay binuksan narin niya, nagbabakasakali.


Is this her real name ? tanong pa muli nito sa sarili. Habang salubong ang mga kilay.


Ipinikit niya ang mga mata, upang mag-isip muli. Para'ng may isang bagay pa siyang nakaligtaan.


Hanggang sa tumaas na lang ang sulok ng kanyang labi. Na animo may sagot na sa kanyang mga tanong na makapagpapalinaw sa lahat, at tuluyan nang napangiti.

� 


☺ Pasensya na po sa matagal na update☺


Sa lahat po nang nagbabasa, babasa, at sa patuloy na bumabasa nito. Thankyou po ♥

WHEN GUN AND ROSES COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon