Chapter 1

32 2 0
                                    

♪♫ "So I'm putting my defenses out! Cause I don't wanna fall in love.. If I ever did that... I think I'd have a heart atta—-!"♪♫


"Sharmaine!"


"Ay kamote!" gulat na sambit ko nang kumatok nang pagkalakas-lakas ang ate ko sa pinto ng kwarto ko. "Ate! Opo! Nan'dyan na!" sigaw ko.


"Anong petsa na?!" umirap ako.


First day of school kasi at mas excited pa ang ate kong pumasok sa school kesa sa'kin. Minadali ko ang pagbibihis dahil talagang sasabunin ako n'un. I found her standing at my door when I opened it. Her hands are on either side of her waist and arching a brow at me. Nilampasan ko lang siya at dumiretso ako upang bumaba ng hagdan para makapagsuot ng sneakers. Sumunod naman agad ang ate at nagsimula na naming bumratatat ang bibig. 'Hayst!'

"Alam mo ikaw, kahit kalian ay ang bagal mong kumilos! Aba'y anong oras na? Ha? Sharmaine? Sana'y nagsabi ka para hindi na lang kita ginising at nang maghapon ka na lang nakahilata sa kama mo!"

Tahimik lang ako habang itinatali ang sintas ng sapatos ko. Paulit-ulit naman kasi si Ate tuwing may pasok eh. Mas malala nga lang tulad ngayong unang araw ng pasukan at college na ang neneng mo. Tss. Minsan gusto kong itanong, humihinga ba siya? Walang preno eh! Tsk.

"Ano na naming iniiling-iling mo d'yan?"

Hindi ko siya sinagot at dumulog na lang ako sa pagkaing nakahain sa mesa. Hindi ako inis kay Ate okay? Sadyang sanay lang talaga akong ganyan siya. Pinsadahan ko ng tingin ang breakfast.'Nice.. Sinangag at itlog na may kamatis! Mi paborito! Char! The best talaga si Ate ano? Alam na alam ang makapagpapangiti sa'kin eh. Hehe.'


"Ngayon naman ay ngingiti-ngiti ka? Aba——"


Tinitigan ko lang si ate hanggang sa matapos ako sa breakfast ko. At hindi pa rin matapos-tapos ang sermon niya. Nakapagtoothbrush na ko't lahat ay saka niya naman iniabot sa akin ang....okay? baso ng gatas. I questioningly looked at her like "Ate, heller? I'm in college na, am I supposed to take that pa?' and as if she can see through me kasi tinaasan niya lang ako ng kilay at idinuldol pa lalo ang baso. Tss.


Okay. No choice Sharms. Iinumin mo 'yan o ibubuhos niya 'yan sa'yo? 

Ngumiti ako sa kanya ng matamis nang maubos ko iyon, may kasamang pagpapacute.


"Ate ang sungit mo." Nakalabi kong sabi sa kanya. Namewang siya.


"Eh paano ba naman kase? Kolehiyo ka na, dapat ay responsable ka na rin. Dapat ay mas maaga ka nang nagigising at maghanda sa school! Hindi 'yung gigisingin ka pa. Ano? Hindi ka ba excited kasi finally college ka na?!" mahaba niyang litanya.


Ngumiwi ako. Trying so hard not to roll my eyes. 'Ayan kase! Nagtanong-tanong ka pa Sharms!'


Habang busy si Ate sa pagliligpit ng hapag ay pumanhik ako sa kwarto ko para kunin ang mga dadalhin ko. I checked myself in the mirror. Wala pa naman kaming uniform na mga freshmen kaya civilian attire muna. White printed shirt, maong jeans at sneakers. Hinayaan ko lang na nakawayway ang katamtaman ang haba kong buhok. Daliri ko lang ang ipinansuklay ko kaya medyo messy siya tingnan.

Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon