Chapter 5

7 1 0
                                    

For the nth time ay tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Ang ganda ng dress na binili namin ni Ate. Isa siyang black and white cocktail dress na umaabot hanggang gitna ng mga hita ko. Tube ang top nito at binibigyan naman ng emphasis ang mahahaba at slim kong legs na mas lalong pinayabang dahil sa aking 5 inches glittered black stilletos. At dahil suportado ako ng Ate ko ay siya din mismo ang nagmake-up sakin pati pag-ayos ng buhok. Half-ponytailed siya at kulot-kulot ang dulo. At hindi ko na rin mabilang ang selfie ko sa salamin. Ang adik lang.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang bumukas iyon at sumilip si Ate.

"Wala kang planong umalis?" Annoyed na tanong niya.

Napangiwi ako konti at sa kahulihulihang pagkakataon ay tiningnan ko ang sarili ko at nagpractice ng ngiti.

"Sharmaine ano ba?! Kanina excited kang magbihis dahil malelate ka kamo? Ngayon naman nakapag-ayos ka na't lahat, ayaw mo nang umalis sa salamin mo?!"

Ang ngiti ko ay nauwi sa paglabi dahil sa litanya niya. Tsk. Kinuha ko na lamang ang pouch ko at lumabas na ng kwarto.

Pababa ako ng hagdan nang may sumipol. At doon sa sala, nakatayo ang dahilan kung bakit feel na feel ko ang pagsuot ng dress na'to. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa at naghihintay ang aking prince charming... Eeeenk! Masyadong cliche.

Anyway...

Nagtititigan kami habang pababa ako ng hagdan. Mababakas ang paghanga sa itimang mga mata niya at nakatiim lamang ang labi. Ang gwapo gwapo niya sa kanyang black long sleeved polo na itinupi hanggang siko. Nakapamulsa siya sa kanyang black pants partnered with black leather shoes.

Okay. Siya na ang MIB. Man in Black. Pero naalala ko, nakablack rin pala ako kaya meant to be talaga kami. Napangisi ako sa naisip. Kami ang CIB. Couple in Black. Chos! Todo ngiti ako habang papalapit sa kanya. Huminto ako nang isang hakbang na lang ang pagitan namin.

Tinitigan niya lang ako na parang sinasabing "Wow" bagaman hindi man lang napapanganga. Okay. Ako na ang assuming. Pipitikin ko na sana ang noo niya sa pagkakatulala nang sinabi niyang...

"Ganda mo." sa paos na boses. Bedroom voice ba. Hmm. Fresh breath.

Pademure naman akong ngumiti. Hehehe. See? Ganda ko daw. Sa isip ko ay nakikita ko ang subconcious self ko na napapailing habang nagbabasa ng libro. Inirapan ko nga.

"Hmm. So anong gusto mo? Sabihan rin kitang ang gwapo mo ganoon?"

Napailing lamang siya at lumampas ang paningin sa balikat ko. Napalingon ako at naroon ang Ate ko na mukhang kanina pa kami pinapanood. Tipid siyang ngumiti na alam kong may kasamang ngisi at saka kami sinenyasang umalis na.

"O Travis ha. Iyong pinag-usapan natin. Kung hindi ka lang kapatid ni LJ ay nunca kang makakalapit sa kapatid ko." Napangiwi ako dahil pareho niya kaming itinutulak palabas ng gate at sa naghihintay na taxi.

Taxi?!
Napabaling ako kay Javier na busy sa pakikipagdaldalan sa Ate ko. Pabalik-balik ang tingin ko kay Javier at sa taxi. Akala ko ba mayaman ang ugok na 'to? Bakit taxi ang service namin? Tss. Pero di bale na. Pakialam ko ba kung taxi o kotse o traysikel o motor o trak pa ang sakyan namin? Ang mahalaga ay importante. Joke. Ang mahalaga ay magkadate kami... Sa acquaintace party. Mwahaha!

Napaseryoso ako nang bumaling sa akin ang dalawa.

"Sige po Ate Lotty, mauna na po kami. Tsk. Buti na lang kapatid ako ni Ate LJ, at magkapatid kayo ng batang 'to." Si Javier na umakbay pa sakin at pinilipit ang ilong ko. Buti light lang ang make-up ko.

"Ano ba?!" Angal ko na ang kinalabasan ay "Amo ma?!" Pinalis ko ang kamay niya. "At anong bata ha? Magkaedad lang tayo, hoy, baka nakakalimutan mo?!"

"Tsk. Oo na. But that doesn't change the fact that you're my baby girl."

Natigilan ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Ate at nakangisi lang siya. Tinaasan niya ko ng kilay. Napakurap ako ng maraming beses. Unti-unti nang nagsisink-in sa sistema ko ang sinabi ni Javier at muntik na kong mangisay sa kilig nang dugtungan niya ng...

"Remember, I don't have a younger sister?" Matamis ang ngiti niya sakin habang akbay akbay pa rin ako.

Gumanti ako ng matamis ding ngiti na unti-unting nauwi sa mapait na pagngiwi.

Sa likod ng isip ko ay nauulinigan ko ang sound effect na "ngwek ngwek ngwek" na madalas ginagamit sa mga comedy movies ni Dolphy.

Awths. It hurths.

Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon