Chapter 3

21 1 0
                                    

Nang mga sumunod na araw ay walang ginawa ang ugok na iyon kundi asarin ako. By the way, his name's Travis Javier Figueroa. Sounds rich, right? Tsk. Oh well, halata naman.. Two weeks pa lang simula nung pasukan at next month pa ang start mag-uniform. Kaya naman araw-araw ay nagsusumigaw ang mga branded at signatured clothes niya. Nakanaman! Pati sapatos at bag!

Ako naman ay halos maubusan na ng damit na maisusuot. Ayoko kasi ng damit na pauli-ulit. Hindi man branded ay kahit papaano ay sunod sa uso at hindi outdated. Next friday nga ay magkakaroon ng aquaintance party ang department namin kaya poproblemahin ko na naman ang casual dress. Not that I don't have one. In fact, marami ako n'un. Ikaw ba naman ang may magulang sa labas ng bansa, hindi ka magkakaroon? The truth is, I'm not fond of wearing skirts. I'm more comfortable with shirt, jeans or shorts paired with sneakers. Pag skirt kasi, nakokoncious ako. Pero no choice ako di'ba? Eh compulsory daw iyon sa party.


Napa-angat ako ng tingin sa harap nang umupo doon si Travis Javier sa armchair niya pero nakaharap sa'kin at nagpapacute.

"Kailangan mo?" tanong ko.

"Ikaw?" sagot niya.

Kumunot ang noo ko at inirapan siya. "I don't have time for you Javier."

"Oh? Wala pa nga akong ginagawa, galit agad?" usal niya na parang sa sarili itinatanong iyon. Muli siyang bumaling sa'kin. "But did't I tell you to not call me Javier?" Hindi ko siya sinagot. "What are you thinking? Kanina ka pa tulala."

"Tss. Wala." sabay iwas ko ng tingin. Paano naman ay kahit anong galaw ng mukha niya ay pinangangalandakan ang lalim ng biloys niya. Sarap tusukin eh.

"Kapag ganyan kasi ay i-break mo na." bulong pa niya in a-matter-of-fact tone with lapit-lapitan effect. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Vacant period namin kaya nakikipagdaldalan na naman ang ugok na 'to. Ngumisi siya.

"Pinagsasasabi mo?"

"Sinaktan ka ba? Ha?"

"Nino?"

"Gulpihin natin!"

"Ewan ko sa'yo! Umalis ka nga sa harap ko!" Tsismoso.

Oo. Ganyan na kami ngayon. hindi ko alam kung paano actually. Basta't parang nasanay na rin kaming magkasama. Hindi naman siya mahirap kaibiganin. Siya 'yung tipong happy go lucky. Lahat ay kasundo niya. Pati professors ay natutuwa sa kanya. Meron kasi siyang aura na nakakagaan ng loob. Minsan ay inis na inis ako dahil hindi ko makuha-kuha ang formula sa College Algebra. Tinawanan muna 'ko ng ugok bago tinulungan. Minsan rin ay nasermunan kami ng isang prof sa kabilang room, vacant period namin at nagdidiwang ang buong section. Maingay kasi lahat ng sulok ng room namin ay may kadaldalan. Halos maubos ang vacant time namin dahil sa nangyareng misa—este sermon. Aminin, may mga profs talaga na very strict at ayaw ng maingay. At si Travis Javier Figueroa ang nangunang humingi ng paumanhin. At dahil sa kanyang taglay na charms ay napaamo niya ang istriktong prof.

At dahil din sa kanyang taglay na charms ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya. Masaya ako 'pag nakikita ko siya pag papasok ako sa school. I feel special kasi sa'kin siya madalas sumabay every General Assembly (every Monday ay General Assembly kung kailan nagcoconduct ng Flag Ceremony at nag-aanounce ng important announcements), kumain, mag-snacks.. kami rin parati ang partners tuwing may group activity.

Ngayon lang ako nagkaroon ng malapit na boy friend. With space. Girlfriends kasi ang meron ako n'ung highschool. Syampre, I'm also friends with boys but not like what I have for Travis Javier. Iba siya. May something sa kanya. And I think, may something rin sa'kin.. 'Yung biloys niya lang dapat ang crush ko eh.. Pero habang tumatagal, nakikilala ko siya. Humahanga ako sa kaniya.


Isang araw...


"Tara, canteen tayo." hindi pa man ako nakakasagot ay basta niya na lang hinila ang kamay ko.

Dahil nakapandekwatro akong pambabae ay muntik na naman akong masubsob sa upuan niya kung hindi ko lang naitukod ang kamay ko.

"Teka naman!" reklamo ko. Tumawa lang siya habang hila-hila pa rin ang palapulsuhan ko. Palabas na kami ng pinto nang...

"Uyyyyyyyy!" sabay-sabay na usal ng mga kaklase namin. Nilingon ko sila. Excited sa kung sino na naman ang tinutukso nila. Makikitukso rin sana ako nang sa amin ni Javier pala sila nakatingin at nakangisi.

"Kayo ah? May holdinghands-holdinghands na kayong ganyan ah? Yieee!" tukso ng isa.

"Abah.. Sinasabi ko na nga ba may something sa dalawang 'yan eh.." tukso naman ng isa pa.

"Hmm. Di kayo nagsasabi ah." tukso naman ng isang isa pa.

Nag-init ang pisngi ko kaya pinalis ko ang kamay ng ugok sa kamay ko. Hindi ko alam kung biglang parang hihikain ako sa panunukso nila. Pero nginisihan ko lang sila. Ayokong ipahalata na naaapektuhan ako. Pero matigas ang mukha ng ugok at inakbayan pa 'ko! Lalo ko lang tuloy naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Gah!

"We're friends.." he announced smiling at them. But that fueled them more para tuksuhin kami lalo.

"Asus! Showbiz! Sabagay, D'yan naman kasi nagsisimula ang lahat. Haha. Friends to lovers. Cheng!" at sabay-sabay ulit silang nantukso. Parang verse choir lang? Tss.

"Friends to lovers kayong nalalaman d'yan!" sumabat na 'ko. Inirapan ko sila at saka nagpaumunang lumabas. Sumunod naman ang ugok. I felt his arm on my shoulders again, tiningnan ko naman siya ng masama.

"Oh? that was supposed to be a joke. Ikaw naman masyado kang affected." Humalakhak siya. Nag-init ang pisngi ko. Gah! I swear, para na 'kong hinog na kamatis neto! Natatawa niyang kinurot ang pisngi ko. I averted my gaze. Tiningnan ko siya.

"Hoy. Libre mo 'ko ah!" sabi ko.

Niyuko niya 'ko nang nakangisi.

"Sure, babe.." sabay kindat.



Bog! 


Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon